PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikki de Moura Shines in 2023 Prelims

Nikki de Moura, maiuwi kaya ang kauna-unahang Miss Grand International crown ng Pinas?
by Jojo Gabinete
Published Oct 23, 2023
nikki de moura miss grand international 20230
Miss Grand Philippines Nikki de Moura during preliminary competition of Miss Grand International 2023 held in Ho Chi Minh City, Vietnam, Sunday night, October 22, 2023.
PHOTO/S: Miss Grand International YouTube

Wagas ang pagkakadapa ni Miss Grand Philippines Nikki de Moura habang pababa sa entablado ng Phu Tho Indoor Stadium pagkatapos ng evening gown segment sa preliminary competition ng Miss Grand International 2023 sa Ho Chi Minh City, Vietnam, nitong Linggo ng gabi, Oktubre 22, 2023.

Read: Nikki de Moura of Cagayan de Oro crowned Miss Grand Philippines 2023

Hindi nakita sa live streaming ng preliminary competition ng 11th edition ng Miss Grand International ang nangyari kay Nikki dahil naganap ito sa off cam, pero nakunan ito ng video ng isang kinatawan ng Crown Sisters channel.

Si Miss Grand Puerto Rico Maria Cristina Ramos, na kasunod ni Nikki sa pagbaba mula sa hagdan, at isang staff member ng Miss Grand International ang mga tumulong para makatayo mula sa pagkakadapa ang 19-year-old Philippine representative.

Ang swimsuit competition ang sumunod sa evening gown competition. Nang rumampa si Nikki sa entablado, hindi mababakas sa kanyang mukha na naranasan niyang madapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na kumalat ang video ng nangyari kay Nikki.

Hindi man ito isang magandang karanasan, umaasa ang mga sumusuporta sa kanyang makakatulong ang insidente para mapansin siya sa international beauty pageant na nilahukan, tulad ng atensiyong nakuha ni Miriam Quiambao nang madulas ito sa entablado sa preliminary competition ng Miss Universe 1999 na ginanap sa Trinidad and Tobago noong May 26, 1999.

Hinangaan si Miriam dahil parang walang nangyaring tumayo ito mula sa pagkakadulas niya kaya tumanggap siya ng mga papuri at masigabong palakpakan mula sa audience.

Si Miriam ang itinanghal na first runner-up sa 48th Miss Universe na napanalunan ni Mpule Kwelagobe ng Botswana.

Isa si Nikki sa mga pinakabatang kandidata sa Miss Grand International 2023 na may 69 na opisyal na kalahok.

Hindi pa nagwawagi ang mga kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International kaya noon pa man, pinararatangan ng Filipino pageant fans ng diskriminasyon si Nawat Itsaragrisil, ang founder ng Miss Grand International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumisita xi Nawat sa ating bansa noong July 2023 para manuyo, at minsan nang humingi ng paumanhin dahil nakarating sa kanya ang mga akusasyon na isang "cooking show" ang pinamumunuan niya na organisasyon.

Read: Nawat Itsaragrisil reveals qualities he seeks in a Miss Grand International winner: "Beautiful is not enough for us."

Read: Miss Grand International founder Nawat Itsaragrisil apologizes to Pinoy pageant fans

Nakatakda ang grand coronation night ng Miss Grand International 2023 sa Miyerkules, Oktubre 25, 2023.

Malalaman sa magiging resulta nito ang epekto ng paghingi ni Nawat ng paumanhin. Kapag hindi pa rin nanalo ang kinatawan ng Pilipinas, tiyak na magpapatuloy ang mga batikos laban sa kanya ng mga Pilipinong matagal nang nakakundisyon ang isip na isang "cooking show" ang patimpalak na itinatag niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Grand Philippines Nikki de Moura during preliminary competition of Miss Grand International 2023 held in Ho Chi Minh City, Vietnam, Sunday night, October 22, 2023.
PHOTO/S: Miss Grand International YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results