Ang Guwapings members na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jomari Yllana ang mga orihinal na bida ng Para Kang Papa Mo.
Sila ang nasa isip ng direktor na si Darryl Yap habang isinusulat nito ang kuwento ng kanilang reunion movie. Inspirado si Darryl na batang '90s ang pakilala sa sarili.
Pero hindi natuloy ang partisipasyon ni Jomari dahil sa diumano’y hidwaan nila noon ni Mark.
Walang nakakaalam na may tampuhan ang dalawa hanggang magkuwento si Darryl tungkol sa mga nangyari bago nila inumpisahan ang shooting ng Para Kang Papa Mo.
"I was prepared to have a Jomari Yllana.
"But then I learned I cannot have Jomari for certains reasons so I have to make it Jao Mapa.
"It’s really hard to recreate and rewrite so yun ang naging endeavors ko," bungad ni Darryl.
Nasayangan si Darryl, na writer-director ng pelikula.
Patuloy niya, "Kasi naisulat ko na. Napi-picture ko na si Jomari. E, hindi raw puwede. E, Guwaping din naman daw si Jao Mapa."
Sa puntong ito nabanggit ni Darryl ang isyu sa pagitan nina Mark at Jomari.
"Parang hindi okay sina Mark at Jomari. Politics din, parang sa Parañaque.
"Hindi ko na inalam, pero yun ang narinig ko."
Kuwento pa niya, may "wow mali" experience siya nang hindi inaasahang magtagpo sila ni Anjo Yllana, ang nakatatandang kapatid ni Jomari.
"Tapos nakasalubong ko si Sir Anjo Yllana. Ipinagyabang ko pa [na makakatrabaho ko si Jomari].
"Hindi pala sila [Mark and Jomari] okay! Mali! Mali! Hindi ko alam," ang natawa na sabi ni Darryl.
Dagdag niya, "Hanggang sa magsu-shoot na kami, ini-stop. I had to rewrite the script for Jao."
ON SEEING MARK AND JOMARI TOGETHER
Inunawa na lamang daw niya ang sitwasyon noon nina Mark at Jomari.
Patuloy ni Darryl: "After nung shoot namin, nagkita-kita sila. Magkakasama sina Mark, Jomari at Eric. Okay naman sila.
"Sabi ko, bakit hindi na lang natin itinuloy [ang original cast]? Ang gulo…
"I guess, ayaw rin nilang mag-work na napilitan silang maging okay for a movie.
"Maybe, they wanted to patch things up in a more natural way not because may gagawin sila na pelikula."
Kasama rin sa cast ng Para Kang Papa Mo sina Nikko Natividad, Zeus Collins, at Kid Yambao.
"Nagulat ako with Nikko, with Zeus, and Kid from different bakuran, ang bilis. Ang bilis napa-oo.
"Sabi ko, ang bilis nilang napa-oo. Itong Guwapings, ang gulong kausap," komento pa ng director."
PLOT OF THE MOVIE
"Very relatable" ang paglalarawan ni Darryl sa kuwento ng Para Kang Papa Mo.
Tungkol ito sa isang ama na pumapatol sa mga miyembro ng third sex noong kabataan niya pero nagkaroon ng anak na gay.
"Hindi ko naman sinasabing marami ang namamakla, pero it’s very relatable. It’s a father and son film.
"Mark Anthony is the father. Hindi ko sinasabi na namamakla si Mark Anthony.
"Sinasabi ko talaga verbatim kasi tini-twist," ang paglilinaw ni Darryl dahil baka ma-misquote raw siya.
Anak ni Mark si Nikko sa pelikula.
"It’s very, very irrevent. It’s a crass film. It’s very natural, kung paano mag-usap ang mga taga-squatter area.
"Kung paano mag-usap ang mga sumasayaw ng barangayan.
"During my time, during the '90s, uso yung mga dance contest sa barangay so yun ang kuwento."