Nagpakita ng interes sa Philippine show business si Miss Supranational 2023 Andrea Aguilera ng Ecuador.
Ito ay matapos niyang malaman na may mga dating beauty queen mula sa iba’t ibang bansa na nagkaroon ng showbiz career sa Pilipinas, gaya nina Miss Universe 1993 Dayanara Torres, at Miss Universe 1974 Amparo Muñoz.
Ganun din ang mga runner-up sa 23rd Miss Universe—sina Miss Wales Helen Morgan, Miss Finland Johanna Raunio, at Miss Aruba Maureen Ava Viera.
"I never say no," ang sagot ni Aguilera nang itanong ng Cabinet Files ang posibilidad na maging artista siya sa Pilipinas kung sakaling may mag-alok sa kanya na gumawa ng pelikula.
Binanggit ni Aguilera na sumagi sa isip niya na subukan ang pagiging artista noong teenager siya, pero nangibabaw ang kanyang pangarap na magkaroon ng beauty title.
"Very passionate" si Aguilera sa ambisyon niya na maging beauty queen.
Kaya sa edad na labimpito, nag-umpisa na ang kanyang pagiging kontesera at pagsali sa mga beauty pageant—sa Miss Grand Los Rios, Reina delos Rios 2019, Miss Earth Ecuador 2019, Concurso Nacional de Belleza Ecuador 2020, Miss Grand Ecuador 2021, Miss Grand International 2021, Miss Supranational Ecuador, at Miss Supranational.
Bumisita si Aguilera sa Pilipinas noong nakaraang linggo dahil imbitado siya sa grand finals night ng The Filipino Festival na ginanap sa Mall of Asia Arena noong October 24, 2023.
Read: Pauline Amelinckx, kinoronahan bilang kauna-unahang "The Miss Philippines"
ANDREA AGUILERA ON PAULINE AMELINCX
Si Aguilera ang naatasan na magbigay kay Pauline Amelinckx ng Woman of Substance special award mula sa Miss Supranational Organization.
Si Pauline ang first runner-up ni Aguilera sa 14th Miss Supranational na idinaos sa Poland noong July 14, 2023.
"I love her," ang sagot ni Aguilera nang tanungin ito tungkol sa pagkakakilala niya kay Pauline na isinalarawan niya bilang smart at kind na babae.
Read: Get to know Pauline Amelinckx, Miss Supranational Philippines 2023
ON WARMTH OF THE FILIPINO PEOPLE
Tiniyak ni Aguilera na babalik siya sa Pilipinas para mapuntahan ang mga nabalitaan niya na magagandang mga beach resort sa ating bansa.
"It’s amazing. It’s my first time in the Philippines. I can feel so much the warmth of the people.
"I can feel the kindness and the hospitality of the Filipinos, they are very disciplined and organized,” ang mga papuri ni Aguilera tungkol sa mga Pilipino sa panayam sa kanya ng Cabinet Files.
Gusto rin niya na madagdagan ang kanyang mga kaalaman tungkol sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
"We don’t have much time to be very close during the competition, but we shared lot of cute moments during breakfast and rehearsals."
Sabi pa niya tungkol sa pagkapanalo niya sa pageant, "Being a beauty queen is a dream come true.
Pahayag ng 22-year-old Ecuadorian beauty queen, "After joining my first pageant, I’ve realized that being a beauty queen is more than that.
"It’s a job, it’s hard work and a very big responsibility to serve the community. It’s a dream job. A job that I really love."
Read: Matthew Perry reveals the sad reason why he broke up with Julia Roberts