TRIGGER WARNING: SELF-HARM
May sariling horror story ang actor-singer na si Wilbert Ross pero walang kinalaman ang kuwento niya sa mga multong paboritong paksa tuwing sumasapit ang Araw ng mga Patay.
Mas matindi pa ang karanasan ng Hashtags member—ang paulit-ulit na paghihiwa ng pulso nang magkaroon siya ng major depressive disorder.
Read: Wilbert Ross claims he's the victim of a power-tripping boss of It's Showtime
Sinasaktan ni Wilbert ang sarili sa pamamagitan ng paghihiwa ng pulso, gamit ang blade, para maramdaman niya ang sakit dahil sa patung-patong na problema na dumating sa kanya bago nangyari ang coronavirus pandemic noong 2020.
“Wala naman po akong planong mamatay. Gusto ko lang ng pain,” pagtatapat ni Wilbert sa Cabinet Files.
"Sobrang dark po talaga noon ng buhay ko kasi yun ang problems ko with family, career, tapos mag-isa lang ako sa condo.
“Wala akong kahit ano. Ayoko rin istorbohin ang family ko at kahit sino sa Hashtags.
“Ako lang mag-isa which is na-mold din ako. Nag-grow din ako na mag-isa na, ngayon, wala nang makakatibag sa akin na kahit sino kasi mag-isa akong lumaban sa lahat nang yon.”
Para matakpan at magkaroon ng closure o katapusan ang hindi dapat tularang pananakit sa sarili, nalagyan ni Wilbert ng mechanical robot tattoo ang mga hiwa sa pulso niya.

Lahad niya, “Yung tattoo po ang closure kasi kung walang tattoo, baka ma-tempt ako na ulitin. Yung tattoo ang reminder ko.
“Nagsulat din po ako noon ng kanta, ang 'Benteng Ukit.' Yun ang isinulat ko noong nasa peak ako ng depression. Benteng Ukit means twenty slashes.”
Read: Wilbert Ross nagpapasalamat pa rin sa biological father na di niya nakilala
Isa-isang ipinaliwanag ang kahulugan ng ibang mga tattoo niya sa kanyang magkabilang braso.
Pagbabahagi ng Viva artist, “Yung cross tattoo, ang meaning is you can’t go back. Yung iba means don’t stop, pause, just rest and forward.
“Yung compass tattoo means whenever I’m lost, alam ko kung saan ako pupunta.”

Positibo na raw ang mga pananaw ni Wilbert sa buhay at nangakong gagawin ang lahat para magtagumpay, hindi lamang ang kanyang showbiz career kundi pati ang buhay niya.
Alam ko na po talaga na darating yung time. Confident enough ako kasi alam ko yung hard work ko. Alam kong ginagawa lagi yung best ko.
“Ginagawa ko lahat ng ways para magkaroon ng chance na magka-break ako. Kung hindi siya mag-work, patience na lang ang magagawa ko. Maghihintay na lang ako.
“Alam ko na mangyayari siya. Hindi ko lang alam kung ilang taon from now pero alam ko na mangyayari at always ready ako.
"Ihahanda ko ang sarili ko na kapag dumating yon, itotodo ko lahat," determinadong-determinado na pahayag ni Wilbert.