PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong, Jugs, Teddy Revive Dolphy and Friends

Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta nagbigay-pugay sa mga yumaong comedians.
by Jojo Gabinete
Published Nov 6, 2023
magpasikat it's showtime
Vhong Navarro, Teddy Corpuz, and Jugs Jugueta resurrect legendary comedians Dolphy, Redford White, and Babalu, respectively, through artificial intelligence or deepfake in their "Magpasikat" presentation on It's Showtime.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Nag-umpisa ngayong Lunes, Nobyembre 6, 2023, ang unang araw ng isang linggong pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng It’s Showtime sa pamamagitan ng "Magpasikat," ang paligsahan ng mga production number ng mga host ng noontime variety show ng ABS-CBN na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.

Sina Teddy Corpuz, Vhong Navarro, at Jugs Jugueta — na ipinakilala ang kanilang grupo bilang "TVJ" — ang unang nagpasikat.

teddy vhong jugs magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginulat ng tatlo ang manonood, pati na ang mga kasamahan nila sa It’s Showtime, dahil sa kanilang simple pero kakaibang pagtatanghal — ang pagbibigay-pugay sa mga komedyanteng Pilipino na namayapa.

Gamit ang Artificial Intelligence (AI)] ransformation technology, binuhay nina Teddy, Vhong at Jugs sina Redford White, Dolphy, at Babalu, respectively, habang inaawit nila ang makabagbag-damdaming kanta na “Sana’y Maalaala N’yo Kami.”

redford dolphy babalu magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang kumakanta ang tatlo, ipinakita sa screen ang mga komedyanteng nagpasaya at naging malaking bahagi ng buhay ng mga Pilipino gaya nina Chichay, Panchito, Tintoy, Palito, Larry Silva, Pork Chop Duo, Apeng Daldal, Ben Tisoy, Bentong, Bernardo Bernardo, Cachupoy, Carding, Chokoleit, Dely Atay-Atayan, Don Pepot, Elizabeth Ramsey, Gary Lising, Ike Lozada, Joy Viado, Mang Tomas, Richie D’Horsey, Sammy Lagmay, Soxie Topacio, Subas Herrero, Tado, Noel “ Ungga” Ayala, at Zorayda Sanchez.

magpasikat it's showtime

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tulong pa rin ng AI, binuhay ni Jugs ang katauhan nina Bert “ Tawa” Marcelo, Tia Pusit, Willie Nepomuceno, at German Moreno.

bert tawa marcelo magpasikat

gtia pusit magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

willie nepomuceno magpasikat

german moreno magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Mely Tagasa, Blakdyak, at Chiquito naman ang AI transformations ni Vhong.

mely tagasa magpasikat

blakdyak magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

chiquito magpasikat

Ang mga alaala naman nina Dencio Padilla, Yoyoy Villame, at Rene Requiestas ang ibinalik ni Teddy.

dencio padilla magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

yoyoy villame magpasikat

rene requiestas magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Vhong tungkol sa konseptong napili nila para sa kanilang "Magpasikat" production number: “Fourteen years na ang It’s Showtime, parang lahat nagawa na natin dito so para sa amin, nag-isip kami. Ano pa ba yung puwede nating ipakita?

“Kaya naman naisip ng team namin na gawin ang AI dahil nauuso siya ngayon, pero ang paggamit po ng AI ay dapat ginagamit po yan sa tama, hindi po sa pangloloko.

“Lahat naman tayo darating dito [sa kamatayan] pero siyempre ayaw nating malimutan tayo ng mga tao.

“Na-miss ko rin kasi ang 'Magpasikat' last year kaya, at least, ngayon nakabalik uli ako para makapagpasaya ng madlang people.”

Wala si Vhong sa 13th anniversary celebration ng It’s Showtime noong November 2022 dahil ito ang panahong dumating sa kanyang buhay ang isang mabigat na pagsubok.

Read: Court ruling shows Deniece Cornejo "inconsistencies" during cross-examination; Vhong Navarro lawyer speaks up

Special guest ng grupo nina Vhong, Teddy, at Jugs ang veteran comedienne na si Nova Villa na napaluha nang mapanood ang mga kapwa niya komedyanteng pumanaw na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

nova villa magpasikat

“Kaibigan ko lahat yon. Nakasama ko lahat yon. Lahat ng mga nakita ninyo, nakasama ko, lalo na si Tito Dolphs,” umiiyak na sabi ni Nova.

Tinanggap agad ni Nova ang imbitasyong maging bahagi ng "Magpasikat" nina Vhong, Teddy, at Jugs nang sabihin sa kanyang tribute para sa mga namayapang komedyante ang gagawin ng tatlong hosts ng It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa studio gallery ng It’s Showtime ang ilan sa mga naulilang pamilya ng mga komedyante na napaluha nang mapanood nila ang magandang presentasyon nina Vhong, Jugs, at Teddy.

Magaganap ang announcement of winners sa "Magpasikat" sa sa Sabado, Nobyembre 11, 2023.

MELY TAGASA'S DAUGHTER

Kabilang sa mga bumisita sa Studio 3 ng It’s Showtime ngayong aaraw ang award-winning writer na si Gina Marissa Tagasa, anak ni Mely Tagasa na nakilala sa karakter nito na Miss Tapia sa sitcom na Iskul Bukol.

Ito ang kanyang kuwento tungkol sa karanasan nila ng kapatid niya:

“Nang tawagan ako ng isang Staff sa IT'S SHOWTIME kung payag daw ba kaming bigyan ng tribute ang Mommy ko bilang isa sa mga namayapang sikat na komedyante sa "Magpasikat" nina Vhong, Jugs at Teddy Team, na-touch ako sobra.

“Any event that will honor my mother, I would greatly appreciate. I was invited by their staff, Ms. Sarah Herrera to join other families ng ibang comedians na bibigyan ng tribute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit may deadline ako, pumunta kami ng sister ko sa Studio 3 ng ABS compound (nostalgic sa akin ito bilang Kapamilya ako noon for 8 years!).

"It was a touching presentation! Great to see Pip Silvano Cruz [Tirso Cruz III] and Inang Olivia Lamasan as jury sa yearly competition na ito ng hosts.

"To "It’s Showtime,” heartfelt thanks to you. Pinaiyak ninyo kami ng sister ko. MISS TAPIA's (Mely Tagasa) legacy lives on. Mabuhay ang mga Komedyanteng Pinoy!! Mabuhay ka, Mommy!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro, Teddy Corpuz, and Jugs Jugueta resurrect legendary comedians Dolphy, Redford White, and Babalu, respectively, through artificial intelligence or deepfake in their "Magpasikat" presentation on It's Showtime.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results