Nasangkot noon sa isang car accident ang dating aktor at movie producer na si Derek Dee kaya hindi ito makakabiyahe sa El Salvador para suportahan ang Miss Universe 2023 bid ng kanyang anak na si Michelle Marquez Dee.
Hindi man siya makapupunta sa El Salvador, buong-buo ang suporta ni Derek kay Michelle sa pamamagitan ng kanyang mga social media post.
Read: Michelle Dee reveals one great thing taught by dad, former action star Derek Dee
Sa eksklusibong pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Derek, ipinaliwanag muna niya ang dahilan kaya hindi siya nakadalo sa Miss Universe Philippines 2023 grand coronation sa Mall of Asia Arena noong May 13, 2023.
Lahad niya, “It’s in the news that I got into an accident that’s why I was not in her Miss Universe Philippines win in Mall of Asia Arena.
“Why it looks like I didn’t greet her in her win is because I lost the password in my first Facebook account.
"I only got my second account a few months after the contest but I greeted her in private."
May plano sana si Derek na lumipad sa El Salvador para bigyan ng moral support si Michelle, pero nagpapagaling pa rin siya mula sa sinapit na car accident.
“I thought I would be okay for El Salvador but am not fully recovered. I am healing okay and will be back to normal in a few months,” sabi ni Derek.
May mensahe rin siya para sa ipinagmamalaki niyang anak.
“Stay cool and don’t mind the noise,” maiksi pero makahulugang payo ni Derek kay Michelle, na nagbitaw noon ng salita na hinding-hindi siya nagpapaapekto at magpapaapekto sa mga basher.
Read: Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee: "I definitely identify myself as bisexual."
Tila may kinalaman ang mensahe ni Derek sa mga matitinding batikos laban kay Michelle sa isang Facebook page ng Thai beauty pageant fans.
Personal at walang basehan ang mga paninira kay Michelle mula sa mga Thai na ipinagpipilitang nagparetoke ng mukha ang Filipina beauty queen. Isa itong imbentong balita dahil noon pa man, maganda na siya nang magsimula bilang modelo bago pumasok sa showbiz at sumali sa mga beauty pageant.
Read: Here's What Miss World Philippines 2019 Michelle Dee Really Looks Like Without Makeup
Mahahalatang photoshopped ang then-and-now picture ni Michelle na ikinakalat ng kanyang Thai detractors, pero natuto na ang mga kababayan nating tagapagtanggol niya.

Imbes na pumatol, nagpapasalamat sila sa atensiyong ibinibigay ng mga supporter ni Miss Universe Thailand Anntonia Porsild sa Pinay beauty queen, na malaking banta sa kinatawan ng kanilang bansa sa 72nd Miss Universe na magaganap sa November 18, 2023.