Isang red-letter day para sa Pinoy K-pop fans ang petsang December 14, 2023 dahil sa petsang iyon magsasama-sama ang ilan sa pinakasikat at pinakamalalaking pangalan sa K-pop industry para sa Asia Artist Awards 2023.
Ang Pilipinas ang host country ng 8th edition ng Asia Artist Awards, ang South Korean award-giving body na katumbas ng Oscar at Grammy Awards nagbibigay ng parangal sa mga Korean artist na nagtagumpay sa larangan ng pelikula, telebisyon, at musika.
Ang venue: Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan.
Kabilang sa K-pop artists na kumpirmadong a-attend ng 8th Asia Artist Awards ay ang SEVENTEEN BSS (Seungkwan, Hoshi, DK), AKMU, Stray Kids, THE BOYZ, ITZY, KARD, NewJeans, LE SSERAFIM, NMIXX, BOYNEXTDOOR, ZEROBASEONE, STAYC, Kep1er, Dreamcatcher, TEMPEST, Lapillus, Kingdom, ONEUS, ATBO LUN8, HORI7ON, at si Suho ng EXO.
Dadalo rin ang solo artists na sina Kwon Eunbi, Dindin, Lee Young Ji, Ash Island, at Lim Young Woong.
Kasama rin sa guest list ang J-pop artist na &TEAM at Japanese actor na si Kentaro Sakaguchi, at ang Chinese singer na si Yao Chen.
Kumpirmado rin ang pagdalo ng K-drama stars na sina Kim Seon Ho (Hometown Cha Cha Cha), Lee Jun Ho (King The Land), Ahn Hyo Seop (A Time Called You), Kim Se Jeong (Uncanny Counter), Moon Ga Young (The Interest of Love), Lee Dong Hwi (Big Bet), Lee Joon Hyuk (Vigilante), Cha Joo Young (Again My Life), Lee Eun Saem (All Of Us Are Dead), Kim Jae Joong (Manhole), Jung Sung Il (The Glory), Kim Young Dae (The Penthouse), Lee Jun Young (May I Help You?), Moon Sang Min (The Queen's Umbrella), Yoo Seon Ho, (The Queen's Umbrella), Ahn Dong Goo (See You In My 19th Life), Park Jae Chan (Semantic Error), at Kim Jihoon (Money Heist: Korea).
Sina Kang Daniel, Jang Wonyoung ng IVE, at Sung Hanbin ng ZEROBASEONE ang mga host ng programa.
Dahil sa Pilipinas gaganapin ang Asia Artist Awards, imbitado rin ang pinakasikat na P-pop group na SB19, at ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Melai Cantiveros.
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros to attend Asia Artist Awards 2023
Malaking hamon at gastos para sa mga Pilipino na masugid na tagahanga ng mga Korean celebrity ang 8th Asia Artist Awards dahil sa may kamahalang presyo ng tickets na sisimulan ang pagbebenta sa Nobyembre 12, 2023.
Dahil sa Korean invasion na mangyayari sa susunod na buwan, PHP25,000 ang halaga ng tickets para sa LBA VIP seats; PHP20,500 (LBA Premium), PHP17,500 (LBB VIP); PHP15,500 (LBB Premium); PHP13,500 (LBB Regular); PHP11,500 (UBA Premium); PHP7,500 (UBB Premium); PHP6,500 (UBB Regular); PHP4,500 (UBC Premium); PHP3,500 (UBC Regular); at PHP3,000 ang pinakamura para sa UBC Generic o General Admission seats.

Sa kabila ng mahal na presyo ng tickets na karagdagang gastos sa Pasko, nagpakita ng interes ang Pinoy fans na panoorin ang 8th Asia Artist Awards dahil ito ang bihirang pagkakataong makikita nila nang personal at magkakasama sa isang lugar ang kanilang mga hinahangaang Korean stars at K-pop groups.