PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol's New Project After 'Magandang Dilag'

Herlene Budol sasali sa Miss Universe Philippines 2023?
by Jojo Gabinete
Published Nov 9, 2023
herlene budol magandang dilag
Herlene Budol on celebrating Christmas this year: “Siguro po, ito na ang pinakamasayang Christmas ko. Pero magkahalo ang pakiramdam ko. Siyempre, hindi naramdaman ng lola ko yung saya namin dapat. Last year kasi malungkot ang Pasko namin. Ngayong 2023, masaya na malungkot.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @herlene_budol on Instagram

May kinalaman ang kahirapang pinagdaanan niya noon kaya masinop sa pera ang Magandang Dilag star at Miss Philippines Tourism 2023 na si Herlene Budol.

Ang pagiging masinop ni Herlene ang dahilan kaya nakapagpundar siya ng mga ari-arian, kahit sinasabi niyang hulugan, mula sa kanyang talent fee sa Magandang Dilag.

Read: Herlene Budol proudly shows "Budol residence" to family

Masayang-masaya si Herlene sa pag-unlad na nangyayari sa buhay nito pero may nararamdaman siyang kalungkutan dahil hindi niya nakasalo sa tagumpay ang kanyang Lola Bireng, na sumakabilang-buhay noong Hunyo 6, 2022.

Read: Herlene Budol, nabatikos dahil sa pajama photos niya sa puntod ng kanyang lola

“Siguro po, ito na ang pinakamasayang Christmas ko. Pero magkahalo ang pakiramdam ko. Siyempre, hindi naramdaman ng lola ko yung saya namin dapat.

“Last year kasi malungkot ang Pasko namin. Ngayong 2023, masaya na malungkot,” sabi ni Herlene sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Bukas, Nobyembre 10, 2023, ang huling araw sa telebisyon ng Magandang Dilag, ang matagumpay na afternoon revenge drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Herlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa masabi ni Herlene ang susunod na proyekto nito sa Kapuso Network, pero hindi siya nagmamadali dahil ayaw niyang magsawa sa kanya ang mga tao.

Read: Herlene Budol tagumpay ang launching bilang bida sa Magandang Dilag

“Okay po sa akin na next year na ang next project ko. Baka po kung this year din, maumay sa akin ang mga tao. Kailangan ding magpa-miss,” katuwiran ni Herlene, na contract star na ng Sparkle Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network, at ng ALV Talent Circuit.

Ayon kay Herlene, nananatili silang malapit ng dati niyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Read: Herlene Budol explains resignation of Wilbert Tolentino as her manager

Ayon kay Herlene, malaki pa rin ang kinalaman ni Wilbert sa kanyang career bilang beauty queen at hindi pa niya ganap na tinatalikuran ang mundo ng pageanty dahil siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa isang international beauty pageant.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Herlene Budol changes mind about quitting pageantry

“Baka po by next year ang pageant na sasalihan ko,” ani Herlene tungkol sa international pageant na lalahukan niya.

May plano ka pa bang sumali sa ibang mga beauty contest?

“May mga nagsasabi… si Sir Wilbert kasi, gusto pa rin niya talaga na mag-aral ako kasi kunwari sa Miss Universe…” bitin na pahayag ni Herlene.

Tila pahiwatig ito sa posibilidad ng paglahok niya sa Miss Universe Philippines pagkatapos ng kanyang paglahok sa Miss Grand Philippines 2023 noong July 13, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on celebrating Christmas this year: “Siguro po, ito na ang pinakamasayang Christmas ko. Pero magkahalo ang pakiramdam ko. Siyempre, hindi naramdaman ng lola ko yung saya namin dapat. Last year kasi malungkot ang Pasko namin. Ngayong 2023, masaya na malungkot.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results