PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Leren Bautista to boyfriend Ricci Rivero: Wag ka maglaba, ako na!

Leren, may patama sa ex-girlfriend ni Ricci na si Andrea Brillantes?
by Jojo Gabinete
Published Nov 11, 2023
leren bautista ricci rivero
Ricci Rivero hindi na kailangang magpa-laundry dahil may maglalaba na para sa kanya, ang girlfriend niyang si Leren Bautista.
PHOTO/S: UAAP Facebook / @lerenmaebautista on Instagram

“Wag ka maglaba, ako na!”

Ito ang reaksiyon ni Leren Bautista sa Instagram story ni Prince Rivero, ang kapatid ng boyfriend ng Los Baños, Laguna councilor at former beauty queen na si Ricci Rivero.

Kagabi, Nobyembre 10, 2023, ang unang PBA game ni Ricci bilang manlalaro ng Phoenix Fuel Masters.

Read: Leren Mae Bautista wishes boyfriend Ricci Rivero good luck on his first PBA game

Dahil basang-basa ng pawis ang suot na uniform ni Ricci, nagbiro ang kapatid niyang si Prince na oras na para maglaba siya.

Pero sinagot ito ni Leren ng “Wag ka maglaba, ako na!”

leren bautista post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maipagkakailang patungkol at pinagtatawanan lamang nila ang alegasyon ni Andrea Brillantes, ex-girlfriend ni Ricci, na hindi nilalabhan ng dating karelasyon ang mga damit nito.

Read: Andrea Brillantes on ex-boyfriend: “Kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo”

Hindi binigo ni Ricci ang kanyang mga tagahanga dahil nagtala agad siya ng 15 points at apat na rebounds sa unang 18 minuto ng laban ng Phoenix Fuel Masters sa NLEX Road Warriors.

Panalo ang koponan ni Ricci sa laban na naganap sa Smart Araneta Coliseum na personal na pinanood ng kanyang pamilya, ni Leren, at ng mga namamahala ng career niya sa basketball at showbiz—ang Virtual Playground executives na sina Charlie Dy, Mark Salamat, at Griffin Villanueva.

Lumuwas din mula sa Isabela ang mga supporter ni Ricci para saksihan ang unang pagsabak niya sa PBA.

Ang sinabi ni Leren na siya na ang maglalaba ng uniform ni Ricci ang kanyang pabirong gantimpala sa mahusay na paglalaro sa PBA na ipinakita ng boyfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nangyari ang basketball game sa pagitan ng Phoenix Fuel Masters at NLEX Road Warriors, isang mensahe na punumpuno ng pagmamahal ang ipinabaon sa kanya ni Leren.

Aniya, “You deserve all the love in the world. I’m so thankful to see the real you — authentic, fun and loving. No more fantasies, just pure love.

“Remember that I will be here behind you, cheering and supporting you. Good luck on your first PBA game today.”

Kitang-kita at ramdam na ramdam ng mga nanood ng laro ni Ricci sa Big Dome ang pagmamahalan nila ni Leren sa isa’t isa at ang mapayapa nilang relasyon.

Hindi sila nagpapaapekto sa mga batikos ng mga nakikisimpatiya kay Andrea, na nakararanas ngayon ng mga panghuhusga mula sa fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa pagkaka-link niya sa aktor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero hindi na kailangang magpa-laundry dahil may maglalaba na para sa kanya, ang girlfriend niyang si Leren Bautista.
PHOTO/S: UAAP Facebook / @lerenmaebautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results