PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celia Rodriguez: Cherie Gil, Kontrabida Queen

Celia Rodriguez: "Sayang."
by Jojo Gabinete
Published Nov 13, 2023
Celia Rodriguez and Cherie Gil
Beteranang aktres na si Celia Rodriguez, kinilala ang galing sa pag-arte ng namayapang primera kontrabida na si Cherie Gil.
PHOTO/S: Bernie Franco / Web

Nakilala ang veteran actress na si Celia Rodriguez bilang mahusay na kontrabida sa mga pelikula at teleserye.

Read: Cherie Gil more than just a "La Primera Contravida"

Pero para sa kanya, si Cherie Gil ang tunay na Reyna ng mga Kontrabida dahil napakagaling din umarte ng aktres na pumanaw noong Agosto 5, 2022.

Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59

May panghihinayang ang tono ng boses ni Celia nang sabihin nito sa media conference ng Stolen Life na si Cherie at hindi siya ang tunay na Reyna ng mga Kontrabida sa Philippine entertainment industry.

"Sayang," ang sabi ni Celia na unang nakatrabaho ni Cherie sa Bubot Na Bayabas, ang pelikula na ipinalabas sa mga sinehan noong April 5, 1980.

Si Cherie ang bida sa Bubot Na Bayabas, pero mahuhusay ang mga aktres na kasama niya sa pelikula, sina Celia, Rita Gomez at ang kanyang ina na si Rosemarie Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa edad na 85, aktibo pa rin si Celia sa pag-arte at ang Stolen Life, ang afternoon drama series ng GMA-7 na mapapanood simula ngayong Lunes ng hapon, Nobyembre 13, 2023 ang bagong proyekto niya.

CELIA RODRIGUEZ AND GABBY CONCEPCION

Reunited sa Stolen Life si Celia at Gabby Concepcion.

Fifteen years old pa lamang si Gabby nang una nitong makatrabaho si Celia sa Katorse, ang launching movie ni Dina Bonnevie sa Regal Films noong 1980.

Sa kanilang muling pagsasama sa Stolen Life, marami nang nangyari sa buhay nina Celia at Gabby.

Eighty five (85) years old na ang nirerespeto na beteranang aktres at sa susunod na taon, ganap na ang pagiging senior citizen ni Gabby.

Gabby Concepcion and Celia Rodriguez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakakalimutan ni Gabby na si Celia ang kauna-unahan na aktres na gumanap na nanay niya sa Katorse.

At makalipas ang apatnapu’t tatlong taon (44), mag-ina uli sila sa Stolen Life.

Tungkol sa astral projection ang kuwento ng Stolen Life, at gaya nang dapat asahan, nagpakatotoo si Celia sa sa tanong nito na, "Nangyayari ba ito sa tunay na buhay?"

Sinabi ni Celia na sa panahon ngayon ng Artificial Intelligence, mind-blowing at masyadong malalim ang kuwento ng Stolen Life, kaya dapat na panoorin ito mula umpisa hanggang katapusan para masagot ang mga katanungan.

Read: Carla Abellana addresses alleged rift with dad Rey "PJ" Abellana: “He is still my father.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beteranang aktres na si Celia Rodriguez, kinilala ang galing sa pag-arte ng namayapang primera kontrabida na si Cherie Gil.
PHOTO/S: Bernie Franco / Web
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results