PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Castaway Diva moment of Filipino performer in a concert

Filipino performer, may nakaantabay na ghost singer sa backstage.
by Jojo Gabinete
Published Nov 16, 2023
castaway diva
Park Eun-bin (left) and Kim Hyo-jin (left) in a scene from the Netflix series Castaway Diva.
PHOTO/S: Netflix

Ang Castaway Diva, na napapanood sa Netflix mula pa noong October 28, 2023, ang kinahuhumalingan sa kasalukuyan ng mga Pinoy na mahihilig sa K-drama series.

Bida sa Castaway Diva si Park Eun-bin, ang South Korean actress na nanalo ng mga acting award dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng The King’s Affection at Extraordinary Atty. Woo, na tinangkilik at sinubaybayan din ng mga Pilipinong mahilig sa mga Korean drama.

Read: Baeksang Arts Awards 2023: Park Eun Bin wins Daesang; Song Hye Kyo named Best Actress

Seo Mok-ha ang pangalan ng aspiring singer character ni Park Eun-bin sa Castaway Diva. (Yun nga lang, may mga eksena siya sa Castaway Diva na parang Atty. Woo pa rin ang pag-arte niya.)

Bata pa lang, masugid na tagahanga na siya ni Yoon Ran-joo, ang sikat na singer na ginagampanan ni Kim Hyo-jin.

Tulad ng kanyang iniidolong mang-aawit, mahusay kumanta si Seo Mok-ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maikukumpara ang kuwento ng Castaway Diva sa Bituing Walang Ningning, ang blockbuster movie ni Sharon Cuneta noong 1985.

Pero may malaking pagkakaiba dahil mabait si Yoon Ran-joo kay Sei Mok-ha.

Malayong-malayo ito sa ugali ni Lavinia Arguelles (Cherie Gil) na hindi maganda ang trato sa kanyang masugid na tagahanga na si Dorina Pineda (Sharon).

May mga eksena sa Castaway Diva na si Seo Mok-ha ang ghost singer ni Yoon Ran-joo, na nagbago na ang timbre ng boses nito nang sumali sa reality show na Heyday.

Si Seo Mok-ha ang live na kumakanta habang sinasabayan siya ni Yoon Ran-joo. Pero off o hindi gumagana ang mikropono na hawak nito para hindi mahalata na ibang tao ang umaawit.

Imposibleng mangyari o hindi makatotohanan ang nabanggit na eksena para sa mga Pilipinong sumusubaybay sa Castaway Diva dahil 2023 na kaya may ibang mga solusyon na higit na katanggap-tanggap.

Mali ang akala ng ibang mga kababayan natin dahil bago pa man napanood ang Castaway Diva sa Netflix, nangyayari na sa tunay na buhay ang lip-sync scene nina Seo Mok-ha at Yoon Ran-joo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Personal namin itong nasaksihan sa concert ng isang sikat na Filipino performer sa Araneta Coliseum.

Nasa backstage kami kaya aming nasaksihan ang “phenomenon” na nakasanayan nang gawin ng ibang mga artista.

Nakita namin na habang kumakanta ang Filipino performer sa entablado, sumasabay sa pagkanta niya ang singer na miyembro ng isang banda na nakapuwesto sa backstage.

Ang “mystery singer” ang bumibirit sa pag-awit sa mga parteng nahihirapan ang Filipino performer na abutin ang matataas na tono ng kanta.

Ang kaibahan lang, alam ng production staff na may ghost singer ang Filipino performer dahil ito ang kanilang naisip na solusyon kung sakaling magkaroon ng problema sa pagkanta ng bida ng concert.

Hindi na bago sa mga Filipino celebrity ang paggamit ng mga ghost singer, partikular sa mga TV guesting at out-of-town shows nila.

Dalawa sa mga sikat na aktor ang mataas maningil ng bayad sa personal appearances at singing engagements — na nagkakahalaga ng PHP250,000 hanggang P300,000 — sa mga lugar na malalayo pero pre-recorded ang pag-awit nila dahil sintunado ang kanilang mga boses.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Plus one” ang tawag sa mga pagtatanghal ng mga artistang walang talent sa pagkanta na nangangahulugang sumasabay lamang sila sa pre-recorded songs na mga ghost singer.

Pero hindi isyu sa mga tagahanga ang mga dispalinghadong singing voice ng mga iniidolong artista dahil mas mahalagang makita nila nang personal ang mga taong nagpapasaya sa kanila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Park Eun-bin (left) and Kim Hyo-jin (left) in a scene from the Netflix series Castaway Diva.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results