Kabilang ang dating aktor at model na si Lito Gruet sa mga nababahala sa balitang nawawala umano ang aktres na si Azenith Briones.
Magkaibigan ang dalawa dahil isa si Azenith sa mga tumutulong sa adbokasiya ni Lito—ang pagtulong sa mga street dweller o mga tao na wala sa sariling katinuan at naninirahan na lamang sa kalsada.
Read: Veteran actress Azenith Briones ilang araw nang nawawala, ayon sa kaibigang si Isabel Rivas
Si Pastor Ronnie delos Santos ang presidente at si Lito ang executive director ng Battle Against Ignorance Foundation (BAI) at magkasama sila sa pagpapatupad ng kanilang misyon na matulungan ang mga nilalang na tinatawag na "taong-grasa."
Ang former bold star na si Brandy Ayala ang isa sa mga tinutulungan ngayon ng BAI dahil sa miserable na kundisyon ng kanyang pamumuhay.
Read: Brandy Ayala nakauwi na sa bahay sa Tondo matapos ang isang taong pagkawala
Remedios Estrada ang tunay na pangalan ni Brandy at labing-siyam na taon siya nang mag-umpisa noong 1985 ang kanyang showbiz career.
Sa kasamaang-palad, nalulong si Brandy sa masasamang bisyo at nawala sa katinuan ang kanyang pag-iisip kaya pakalat-kalat na lamang siya sa lugar nila sa Tondo, Manila.
Maraming beses na naglabas ng ulat ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong 2020 tungkol sa malungkot na kapalaran ni Brandy at sa ilang buwan na paghahanap sa kanya ng mga kamag-anak niya nang mawala siya sa panahon ng coronavirus pandemic.
Bumalik na si Brandy sa tahanan nito sa Tondo pero madalas siya na nakikita na pakalat-kalat sa iba’t ibang lugar kaya kumilos na si Lito at ang BAI para mailigtas ang 57-year-old former sexy star mula sa kinasasadlakan nito na kahirapan.
"We will try to rescue her, galing ang rescue team from Cebu," ang sabi ni Lito sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.
"We are coordinating with the barangay and the family thru the kindness of Morly Alinio.
"We just need financial help too kasi nga we are funding eight rescued street dwellers na kasi," ang dagdag na pahayag ni Lito tungkol sa pagtulong na ibibigay ng BAI kay Brandy.
At dahil Cebu-based ang nabanggit na foundation, tiniyak ni Lito na dadalhin ng BAI sa Cebu si Brandy dahil kailangan nito na sumailalim sa matinding gamutan.
"Parang may psychosis si Brandy, which needs to be treated. But she will stay at Safehaven Recovery Village where we shelter yung mga na-rescue namin.
"This facility is a separate entity from BAI but we collaborate. We are tasked to spread awareness and raise funds to help support those we rescued or those street dwellers surrendered by LGU.
"Emmanuel Llenos is the general manager of Safehaven. Bale ang Safehaven is the treatment facility where they will be sheltered, given food, clothes, and the much needed but expensive medication.
"She will be seen by a psychiatrist, be given a complete medical exam. There are in-house doctors and nurses there and a female recovery coach which will be assigned to her," ang paliwanag ni Lito tungkol sa mga plano nila para sa paggaling ni Brandy at sa lugar na titirhan nito.
SECOND CHANCE AT LIFE
Para ipakita ang misyon ng BAI, ibinahagi ni Lito sa PEP ang ilang then-and-now photos ng mga tao na kanilang tinulungan, na ngayon ay normal na ang pamumuhay at may magandang kinabukasan na naghihintay.

"At BAI we intend to help all the lonely, broken, wounded, hurting, abandoned, unloved and neglected.
"People prefer to help the children, PWD, Seniors, victims of human trafficking etc.
"Nobody wants to help the 'hopeless' street dwellers. But in our eyes they too are God's children. They too are somebody's loved one.
"They never planned to become mga 'taong grasa.' Behind every addict, alcoholic or street dweller is a story of trauma.
"People do not consider asking about their past. They just judge and condemn what they see now.
"Biktima rin sila. I have a special place in my heart for them dahil dumaan ako sa addiction at papunta na rin ako noon sa pagiging taong grasa."

Idiniin ni Lito na pagkalinga ang mas kailangan ng mga aniya'y taong kalye.
"Nobody planned to become an addict or alcoholic. More so, maging taong kalye.
"This is why we need more support to help more victims. Di namin kaya on our own but we are very willing to help them.
"Safehaven has the facility and staff. Those we have rescued and those that were surrendered to us, they reformed and transformed under the care of Safehaven Recovery Village and supported by BAI Foundation," ang detalyado na paliwanag ni Lito.
