Isa sa mga pangunahing balita sa Pilipinas ngayong Biyernes, Nobyembre 24, 2023, na si Michelle Marquez Dee ang nanalo sa National Costume competition ng 72nd Miss Universe 2023.
Tila pampalubag-loob na parangal lamang ito kay Michelle para sa mga nasasaktan na Filipino pageant fans.
View this post on Instagram
Samantala, ang headline naman sa mga pahayagan sa Thailand ang mga kasong isinampa ng TCG Social Media Group, isang cryptocurrency platform, laban kay Anne Jakrajutatip.

Isang bilyong baht para sa mga pinsala at karagdagang singil para sa asset embezzlement ang mga asuntong kinakaharap ni Jakrajutatip, ang may-ari ng JKN Global Group at Miss Universe Organization.
Read: Anne Jakrajutatip nahaharap sa panibagong US$28.3M embezzlement case
Ayon sa TCG executive na si Jakkraphan Punyapapha, sinampahan nila si Jakrajutatip ng mga kaso dahil sa criminal offense at paninira sa pamamagitan ng advertising.
Inakusahan ng TCG si Jakrajutatip ng mga mapanirang online media posting dahil itinanggi niyang may kinalaman ang JKN Global Group at Miss Universe Organization sa Miss Universe Coin.
“To our fans, please use caution and do not join in the falsely–named coin scam! We are doing everything we can to shut this down publicly, so that our company is not victims of this fraud,” babala na inilabas noon ng JKN Global Group na nakasira umano sa reputasyon ng TCG, ayon kay Punyapapha.
Sa ulat ng Bangkok Post ngayong Biyernes ng gabi, Nobyembre 24, mariing pinabulaanan ni Punyapapha ang online post ng JKN Global Group.
Aniya, “In fact, the MU Coin is the business TCG and JKN formed together with a legal document signed on June 30, 2023.”
Idinagdag ni Punyapapha na nakipagsosyo rin ang TCG sa JKN para sa beverage business at 40 percent ang stake nila, pero hindi umano ipinaalam sa kanila ni Jakarjutatip ang pagsasara nito sa napagkasunduang negosyo, pagtatanggal ng mga empleyado, at paglilipat ng mga ari-arian.
“TGC has also filed a complaint about asset embezzlement after staff informed us about the company’s closure.
“We are preparing documents to be presented to the Securities and Exchange Commission (SEC) and the Stock Exchange of Thailand (SET) to investigate the company regarding corporate governance, especially layoffs without informing staff in advance,” pahayag ni Punyapapha tungkol sa diumano’y pangungurakot at panloloko sa kanila ni Jakrajutatip.
Inihayag ng TCG ang mga legal na aksyong ginawa nila laban kay Jakrajutatip sa press conference na ipinatawag nila nitong Biyernes ng umaga, Nobyembre 24, 2023 sa The Emerald Hotel, Bangkok, Thailand.