Tiniyak ng singer na si Jona na maayos ang kanyang pagpapaalam sa mga executive ng ABS-CBN at Star Music bago siya lumipat sa Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva Entertainment.
Naganap ang pagpirma ni Jona ng exclusive contract sa VAA nitong Martes ng hapon, Nobyembre 28, 2023.
Sinaksihan ito nina VAA Head Veronique del Rosario-Corpus at Viva Entertainment CEO and President Boss Vic del Rosario.
View this post on Instagram
Ikinuwento ni Jona na una niyang natanggap ang tawag mula sa VAA noong 2015, pero hindi natuloy ang kanyang paglipat.
“Noong 2015 pa po kami ipinapatawag dito sa opisina ng Viva and nagkaroon naman po ng pag-uusap.
"Pero hindi nag-push through kasi napunta na po ako sa ABS-CBN. Naging maganda naman po yung naging posisyon ko doon.
“Tumawag po uli sila bandang 2020. Kaya lang at the time, may ongoing project din kami na gagawin ng Star Music, so parang hindi pa time.
“Tapos ngayong 2023, tumawag na naman sila. And sabi nila, ‘Tingnan ninyo lang. Pakinggan ninyo kung ano yung mga puwedeng i-offer.
"So, we’re here," salaysay ni Jona.
Read: Jona on finding Mr. Right: "Hindi masamang sabihin na dapat maging choosy ka rin talaga."
Nakaramdam daw ng kakaibang uri ng kaligayahan si Jona nang mangyari ang pagpirma niya ng kontrata sa Viva ngayong Martes.
“Noong nakaraang weeks na dumalaw po kami rito at nag-usap kami nina Boss Vic at Ma’am Veronique, of course, I’m very happy na makatapak po dito finally, again, sa opisina po nila.
“Parang andoon po yung masayang pakiramdam.
"Pero ngayong araw na ito na nangyari na po yung contract signing, mas iba po yung pakiramdam.
“Parang nao-overwhelm po ako na this is really happening.
"I am very thankful at sobrang excited po ako sa lahat ng mga puwede kong gawin dito sa Viva Artists Agency."
Kahit exclusive contract star na siya ng VAA, patuloy na mapapanood si Jona sa ASAP Natin ‘To, ang Sunday noontime musical program ng Kapamilya Channel.
Read: Jona sets monthly budget of PHP70k for 70 rescued dogs and cats
BACK TO ACTING
Sa kanyang paglipat sa bagong home studio, kasama sa plano niyang muling maging aktibo sa pag-arte.
“Aside from singing, which is 18 years ko nang ginagawa, gusto ko po rin ulit na mag-venture into acting.
"Kasi feeling ko, nanumbalik yung interes ko sa pag-express ng sarili through acting," rebelasyon ni Jona.
Patuloy niya, “Yung huling acting assignment ko, hindi na maalaala yung taon.
"Pero yung last acting assignment ko was with Glaiza de Castro. May ginawa kaming indie film, ang title ay Cattleya, An OFW Story [2014].
“Ako yung parang best friend/sidekick ni Glaiza.
“Pero yung pinakauna kong acting stint was in GMA-7. Kapapanalo ko pa lang noon sa Pinoy Pop Superstar.
"And then, pinasabak po nila ako na umakting kasama po si Nadine Samonte. Ang title ng program was My Guardian Abby [2005].
"Hanggang mag-partner kami ni Gerald Santos sa I Love New York [2006] nina Ate Jolens [Jolina Magdangal] and Kuya Marvin [Agustin].
“It was really a good experience. May mga clip na itina-tag sa akin ng fans ni Gerald sa social media tapos kapag napapanood ko, parang ang cute.
“Ang saya ng feeling na balikan yung ganoong memories. Parang gusto ko po uli na ma-explore yon.”
Malaki ang posibilidad matupad ang wish ni Jona dahil nagsalita si Boss Vic na bibigyan niya ng mga movie project ang 34-year-old singer-actress.