May asawa na ang isang aktres kaya walang katotohanan ang mga espekulasyong siya ang mitsa ng paghihiwalay ng isang controversial showbiz couple.
Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups
Alam ng production staff ng programang kinabibilangan ang tunay na estado ng aktres kaya natatawa sila sa tsismis na may kinalaman siya sa nabuwag na pagsasama ng mag-asawang artista.
Pero ikinatuwa ng mga tao sa paligid ng aktres ang pagkakasangkot nito sa naganap na hiwalayan dahil nangangahulugan ito ng libreng publicity na makatutulong sa pagsikat niya.
Tahimik na namumuhay ang aktres sa piling ng asawa nito na walang kinalaman sa showbiz kaya naging madali para sa kanyang ilihim ang mga kaganapan sa personal na buhay niya.
Read: Isa pang showbiz couple, kumpirmadong break na; aktor, battered boyfriend umano
Pero walang sikreto sa showbiz na hindi nabubunyag kaya asahan nating matutuklasan din sa mga darating na araw ang sikreto ng aktres.
Kumpiyansa ang aktres na iabsuwelto ang sarili sa pagkakadawit sa breakup ng showbiz couple dahil may pananagutan na nga siya.
Nagiging circus na ang mga balita tungkol sa paghihiwalay ng magkakarelasyong showbiz personalities, pero hangga’t hindi nagsasalita o umaamin ang mga personalidad na sangkot, mananatiling fake news ang lahat ng mga kumakalat na impormasyon na nagdadawit sa mga inosenteng tao.
Related Stories: