PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, todo-atensyon sa kanyang stroke-survivor mom

Paolo, deserve lahat ng showbiz blessings niya ngayong 2023
by Jojo Gabinete
Published Dec 2, 2023
Paolo Contis
Paolo Contis, ipinangako sa sarili na bibigyan ng kaukulang atensyon, pag-aasikaso at pagmamahal ang kanyang nanay na stroke survivor. Aniya, “Feeling ko, may race ako na kailangan matapos bago siya mawala sa mundong ito na kailangan na mapa-feel ko sa kanya na mahal na mahal ko siya."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nagkataon lang na ginamit ni Daniel Padilla ang salita na "ikaw at ako" nang kumpirmahin niya sa kanyang Instagram account noong Nobyembre 30, 2023 ang pagwawakas ng labing-isang taon na relasyon nila ni Kathryn Bernardo dahil ang Ikaw at Ako ang pamagat ng pelikula na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Rhian Ramos na ipalalabas sa mga sinehan sa Disyembre 6, 2023.

Nang tanungin kung para kanino niya sasabihin ang "ikaw at ako," nagkamali ang mga hula ng entertainment press na nakikinig sa isasagot ni Paolo dahil ang nanay nito at hindi ang pangalan ng kanyang kasalukuyang karelasyon na si Yen Santos ang binanggit niya.

“Sa nanay ko, kasi naniwala ako na noong panahon na okay siya, na wala pa siyang stroke, I really took her for granted.

“I took her for granted. Anak ka, e. Hindi ko nilalahat, sorry pero ang nanay ko, stage mother.

“Dumating yung point na tuwing sumasama siya sa set, naiirita ka. Mali. Lahat iyon maiisip mo,” ang nagpakatotoong pahayag ni Paolo na may pakiramdam na may misyon pa siyang dapat na gawin para sa nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Feeling ko, may race ako na kailangan matapos bago siya mawala sa mundong ito na kailangan na mapa-feel ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.

“I believe kailangan ko iyon para sa mommy ko especially I don’t have a father anymore. My dad died ten years ago so ako na lang at saka yung kuya ang meron siya,” ang sabi ni Paolo na hindi nawawalan ng panahon para sa kanyang ina mula nang magkasakit ito.

Isa si Paolo sa mga kontrobersyal na showbiz personality dahil hindi siya nawawalan ng mga isyung kinasasangkutan at sinusubaybayan ng publiko ang mga kaganapan sa kanyang personal na buhay.

Paborito si Paolo na batikusin ng detractors niya pero sa kabila ng mga panghuhusga na natatanggap, maganda ang naging takbo ng kanyang showbiz career ngayong 2023 dahil bukod sa pagiging regular host ng Eat Bulaga!, hindi siya nawawalan ng mga acting assignment sa pelikula at telebisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I am very thankful and very blessed with what I have,” ang reaksyon ni Paolo nang mapag-usapan ang magagandang biyaya na kanyang natanggap sa 2023.

“Some would say I don’t deserve the blessing. Maybe not but at least I got it, and I’m making sure na nasulit ko iyon at naipakita ang pasasalamat ko sa Panginoon by doing my best to pay it forward, to bless other people.

“Siguro, thankful din ako sa fact na yung industriya na pinagtatrabahuan ko ay binibigyang importansya yung professionalism ko at yung personal kong problema.

“And I’m very thankful for that because professionally, I believe I really worked my ass off. At lahat, they get what they pay for and I make sure of that,” ang pahayag ni Paolo na inisa-isa ang pangalan ng lahat ng mga movie at television production na pinasasalamatan niya dahil patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang aktor at television host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis, ipinangako sa sarili na bibigyan ng kaukulang atensyon, pag-aasikaso at pagmamahal ang kanyang nanay na stroke survivor. Aniya, “Feeling ko, may race ako na kailangan matapos bago siya mawala sa mundong ito na kailangan na mapa-feel ko sa kanya na mahal na mahal ko siya."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results