PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jun Urbano Family Yet to Speak on Icon's Passing

UP College of Mass Communications, nagbigay-pugay sa batikang showbiz icon
by Jojo Gabinete
Published Dec 2, 2023
Jun Urbano
Wala pang official statement ang pamilya ni Jun Urbano tungkol sa pagpanaw ng respetadong aktor, manunulat, direktor at komedyante.

Hindi pa naglalabas ng mga detalye ang naulilang pamilya ni Jun Urbano (na kilala rin sa pangalang Manuel Conde, Jr.) tungkol sa burol ng mahusay na aktor, manunulat, direktor at komedyante na binawian ng buhay ngayong Sabado, Disyembre 2, 2023 dahil inaayos pa ang kanyang mga labi.

Ang kapatid ni Urbano na si Ka Banong ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ayon sa kanya, “Hindi pa ho nasasabi ng mga kapatid ko kung saan ibuburol. Nasa ospital pa kasi, inaayos pa. Wala pa pong balita kung saan gaganapin ang wake so balitaan ko na lang po kayo.”

Magkapatid sa ama ang dalawa at ayon kay Ka Banong, si Urbano ang tumayo bilang tatay niya.

Pumanaw si Urbano sa edad na 84 dahil sa ruptured abdominal aortic aneurysm at inaasahan na ibuburol siya sa isang funeral chapel sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang UP College of Mass Communication ang isa sa mga nagpahatid ng mensahe ng kanilang pakikiramay sa aktor na nagpasikat sa karakter ni Mr. Shooli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The UP College of MassCommunications mourns the passing of Mr. Manuel “Jun” Urbano, Jr., the honoree of this year’s U.P. Gawad Plaridel. He was 84 years old.

“Kinilala ng Kolehiyo si Ginoong Urbano para sa paglikha niya ng mga produksiyon sa telebisyon at pelikula na nag-angat sa nilalaman at anyo ng komedi, na maaaring gamitin ng mga susunod na henerasyon ng mga midya praktisyuner bilang modelo sa paglikha ng mga akdang pangmidya na may mataas na uri at tunay na malasakit sa bayan.”

Iginawad kay Urbano ng UP College of Communication ang Gawad Plaridel noong Oktubre 11, 2023 sa Cine Adarna ng UP Film Center.

Pinag-usapan ang grand entrance ni Urbano bilang Mr. Shooli sa Cine Adarna dahil nakaupo siya sa kanyang trono na buhat ng apat ng maskuladong kalalakihan.

Bago niya natanggap ang Gawad Plaridel, si Urbano ang pinagkalooban ng Dr. Jose R. Perez Memorial Award sa 71st FAMAS na ginanap sa Manila Hotel noong Agosto 13, 2023 dahil sa kanyang mga kontribusyon sa Philippine entertainment industry bilang isang magaling na manunulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pang official statement ang pamilya ni Jun Urbano tungkol sa pagpanaw ng respetadong aktor, manunulat, direktor at komedyante.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results