Spotted na magkasama sa isang Asian country ang dalawang personalidad na matagal nang pinagdududahan ang sexual orientation.
Nangyari ang insidente sa isang hotel lobby nang magkasalubong ang saksi at ang batang aktor, na nagulat dahil hindi nito inaasahang may makikita siyang kakilala.
Bago nangyari ang pagtatagpo ng dalawa, unang nakadaupang-palad ng saksi sa nabanggit na hotel ang male showbiz personality na palaisipan sa marami ang sexual preference.
Nang sabihin ng saksi sa batang aktor na naka-check-in din sa naturang hotel ang male showbiz personality, sumagot ang batang aktor ng “Hindi ko alam…” Hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataong makita ang isa’t isa.
Hindi naging isyu sa saksi ang reaksiyon ng batang aktor dahil naniniwala agad siyang maaaring hindi talaga alam ng kanyang kausap na iisang hotel ang tinutuluyan nila ng male showbiz personality.
Nagkaroon lamang ng matinding malisya ang saksi dahil sa eksenang nangyari sa international airport kinabukasan.
Tahimik na nakaupo sa isang sulok ang saksi habang naghihintay ng boarding time sa eroplano.
Mula sa kanyang puwesto, na bahagyang nakakubli kaya hindi siya basta mapapansin, kitang-kitang magkasamang naglalakad at masayang nag-uusap ang batang aktor at ang male showbiz personality na pabalik na rin sa Pilipinas.
Iniwasan ng saksi na mag-isip nang masama pero mas nangibabaw ang kanyang malisya.
Bakit nagsalita o nagsinungaling ang batang aktor na nagpakita ng pagkabigla na hindi nito alam na naka-check in sa hotel ang male showbiz personality, pero kinabukasan, sila ang magkasama at komportableng-komportable sa isa’t isa?
Sa isang lumang panayam sa batang aktor, sinabi niyang hindi sila nag-uusap noon ng male showbiz personality sa tuwing nagkakasama sa mga showbiz event dahil naiilang siya.
Pero iba ang eksenang nasilayan ng saksi sa Asian country na kanilang pinuntahan kamakailan kaya umiral ang malisya.