Pabalik na ng Pilipinas ang aktres at Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago.
Sa kanyang pag-uwi, inaasahang magiging aktibo muli siya sa entertainment industry.
August 2018 nang matuklasan ang chronic kidney disease ni Bea. Mula noon, ang kanyang kalusugan ang pinagtuunan niya ng pansin.
Read: Bea Rose Santiago diagnosed with chronic kidney disease
Lumipad si Bea sa Toronto, Canada, para magpagamot.
Dito siya sumailalim sa tatlong taong dialysis treatment na sinundan ng kidney transplant procedure na bahagyang naantala dahil sa coronavirus pandemic noong 2020.
Ang nakababatang kapatid ni Bea na si Paul Santiago ang naging kidney donor niya sa matagumpay na operasyon sa kanya noong April 2022 sa Toronto General Hospital.
Read: Bea Rose Santiago receives kidney transplant from brother

Sa kanyang vlog dalawang buwan na ang nakalilipas, ibinahagi ni Bea ang hiling at dasal nito noong limang taon pa lamang siya na ipinagkaloob ng Panginoong Diyos.
“I hope you guys would believe that everytime you pray, a miracle happens and a true testament is my brother.
“When I was five years old, I prayed for the very first time and I told God, 'If You grant my wish and give me a brother, I will pray every night.'
“It took me two years of prayers and I still continue to pray until now.
“Two years later, I had a baby brother and I really thought it was a gift from God… that he was made for me.
“And I know idea that he was literally sent from above to be my angel, my little angel on earth, my hero, my brave warrior and just thinking about the selflessness, the bravery that my brother showed me at the age of 24.
“Imagine, the courage, a young man, it just gives you a lot of motivation.It just gives you a lot of aspiration. A lot of good things will happen to my brother not because he is selfless but because of the love that he had shown me and to a lot of people,” pagbibigay-puri ni Bea sa kanyang kapatid at pagpapatotoong ipinagkakaloob ng Diyos ang ating mga hiling at panalangin, basta manalig lamang sa Kanya nang lubusan.
Isang himala ang nangyari kay Bea dahil natupad ang ipinagdasal niyang magkaroon siya ng kapatid.
Ang kanyang kapatid din ang nagdugtong sa buhay niya dahil walang alinlangang ibinigay sa kanya ni Paul ang isang kidney nito.
Postscript: Noong nakaraang buwan, Nobyembre 2023, nabigyan ng pagkakataon si Bea na makaharap at makausap si Prime Minister Justin Trudeau ng Canada.
“Finally get to meet the handsome I mean hands on Prime Minister Justin Trudeau. Shared my story and the grant I am helping to get passed with Kidney Foundation and Toronto General Hospital/UHN.
“Thanking Canada in behalf of all the patients receiving amazing healthcare,” kuwento ni Bea tungkol sa pagtatagpo nila ni Trudeau.
Ang makatulong sa health department ng Canada at sa mga taong may kidney illness ang isa sa mga advocacy ni Bea. Ito ang tinalakay nila ng prime minister ng Canada nang magkita sila.
View this post on Instagram