PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda inabot ng ulan, traffic, at lindol papuntang GMA Network

Live broadcast ng Fast Talk With Boy Abunda apektado dahil sa lindol.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2023
boy abunda gma network
Boy Abunda (in green sweatshirt) and Kim Atienza (with hat) in front of GMA Network building on Timog Avenue after evacuating with GMA employees because of the earthquake, Tuesday afternoon, December 5, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Apektado ang live broadcast ng Fast Talk With Boy Abunda ng malakas na lindol na naramdaman sa Metro Manila nitong Martes ng hapon, Disyembre 5, 2023.

Pinalikas ang lahat ng mga empleyado mula sa 17-story building ng GMA Network sa Timog Avenue, Quezon City, bilang pagsunod sa earthquake protocol.

Nagtipun-tipon muna ang mga empleyado sa harap ng main building ng Kapuso Network bago sila pinalipat ng mga security official sa mas malawak na GMA Network Drive at Samar Avenue.

Bago naganap ang malakas na lindol, bumuhos ang malakas na ulan na nagbunga ng masikip na daloy ng trapiko sa halos lahat ng mga lansangan sa Metro Manila kaya mabagal ang pag-usad ng mga sasakyan.

Sa ikalawang pagkakataon, napilitan ang Fast Talk host na si Boy Abunda na bumaba mula sa kanyang van at pumara ng Angkas driver para ihatid siya sa GMA-7.

Read: Boy Abunda, first time na-late sa sariling programa dahil sa traffic; sinalo ng guest na si Rocco Nacino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang kamalay-malay si Boy na nagkaroon ng malakas na lindol dahil ang buong akala niya, maraming tao sa main entrance ng Kapuso Network dahil may nagaganap na shooting.

Nagmamadali at dire-diretsong pumasok si Boy sa main lobby ng GMA-7, pero tinawag at inawat siya ng mga tao sa paligid kaya saka pa lamang niya nalaman ang nangyaring malakas na lindol.

Naging pabor sa Angkas driver ang naudlot na pagpasok ni Boy sa Kapuso building dahil binalikan siya ng TV host para pagbigyan ang photo opportunity na hiniling niya.

Nakunan namin ang eksena dahil nagkataong naroroon din kami sa GMA-7 nang mangyari ang pagyanig.

boy abunda angkas driver

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naapektuhan din ng lindol ang Zoom Christmas party ng GMA 7 para sa entertainment press.

Magsisimula na sana ang online Christmas party nang lumindol kaya nagpasya ang mga kinauukulan na kanselahin muna ang pagdiriwang para sa kaligtasan ng lahat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda (in green sweatshirt) and Kim Atienza (with hat) in front of GMA Network building on Timog Avenue after evacuating with GMA employees because of the earthquake, Tuesday afternoon, December 5, 2023.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results