PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guesting ng 2 sikat na artista hinarang ng aktor

Dalawang sikat na artista, nadamay sa sama ng loob ng aktor.
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2023
blind item two popular celebrity
ILLUSTRATION: Igi Talao

Nakansela ang guesting ng dalawang sikat na artista dahil sa kapwa nila artista (Actor A) na malaki ang kinalaman sa TV program na kanilang dapat pupuntahan.

Natuklasan ni Actor A na may koneksiyon sa dalawang sikat na artista ang isang personalidad na madalas bumabatikos sa kanya at sa mga malalapit na kaibigan niyang bahagi rin ng entertainment industry.

Walang personal na galit si Actor A sa mga sikat na artista.

Nadamay lamang ang mga ito sa malaking hinanakit niya sa personalidad na naglabas ng mga opinyon tungkol sa malaking kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng kanyang mga kaibigan.

Dinamdam ni Actor A ang ginawa ng personalidad na nagmarka nang husto sa kanya ang pangalan dahil nakasakit sa damdamin niya.

Maaaring hindi alam ng personalidad na siya ang rason kaya hindi natuloy ang guesting ng sikat na artista sa TV show. Kung nakarating sa kanya ang balita, baka nagsalita na naman siya tungkol kay Actor A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nakakaunawa sa desisyon ni Actor A dahil talagang nasaktan ito sa mga nangyari kaya may karapatan siyang gawin ang inaakala niyang nararapat na aksiyon, kahit nadawit ang mga walang kamalay-malay na sikat na artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results