PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Ayanna Misola Sinagot Basher Sa Childhood Photo"

Ayanna Misola, nakaranas ng panlilibak mula sa basher.
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2023
ayanna misola
Vivamax star Ayanna Misola deletes all her Instagram posts a few hours after replying to a basher who posted a malicious comment on her childhood photo.
PHOTO/S: Ayanna Misola Instagram

"Ano ang trabaho mo?"

Ito ang sagot ng sexy actress na si Ayanna Misola sa isang Instagram follower nito na nagkomento sa kanyang childhood photo Instagram post.

Komento ng netizen: "Kawawang bata paglaki bold star pala babagsakan"

ayanna misola photo

Marami ang nakisimpatiya at nagtanggol kay Ayanna.

Nasaktan din si Ayanna sa komento ng netizen na hinusgahan ang kanyang pagkatao at propesyon bilang sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Ayanna noong Oktubre 2023, inilahad niya ang pasyang huminto na sa pagpapaseksi sa pelikula dahil sa mga nararanasang diskriminasyon.

Read: Vivamax star Ayanna Misola decides to stop doing sexy roles; dismisses pregnancy rumor

Ipinagpatuloy ni Ayanna ang kanyang nahintong pag-aaral para mabago ang tingin sa kanya ng mga tao at matiyaga siyang naghihintay ng proyektong magpapamalas ng husay niya bilang aktres.

Ang mga pang-aalipusta at mababang pagtingin sa kanilang pagkatao ang karaniwang natatanggap ni Ayanna at ng ibang sexy stars na napapanood sa mga pelikula ng Vivamax.

Pero magugulat ang mga mapanghusga kapag nakaharap at nakausap nila ang kanilang mga nilalait.

Disente, matatalino, at marespeto sa kapwa ang mga sexy star, mapababae at mapalalake sa personal. Malayung-malayo sila sa mga karakter na kanilang ginagampanan sa mga mapapangahas na pelikula.

Kapag sinabi ng mga sexy star na naghuhubad sila sa pelikula para matupad ang kanilang mga pangarap na maging artista at para makatulong sa pamilya, kapani-paniwala ang mga pahayag nila dahil hindi madali ang maghubad sa harap ng kamera at makipagtalik sa mga kapareha, alang-alang sa mga kailangang eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi dapat husgahan ang mga sexy star dahil karamihan sa kanila ay mga pinagdaanang malulungkot na karanasan noong mga bata pa sila na nagdulot ng malalim na trauma.

Sina Cherrie Madrigal at Myra Manibog, ang mga sexy star na nakilala noong dekada ’80 dahil sa mga "penetration movies" na ginawa nila, ang dalawa sa mga malulungkot na halimbawa.

Mga menor de edad sina Cherrie at Myra nang maging biktima sila ng exploitation ng mga tao sa kanilang paligid.

Nakapangingilabot ang kuwento ni Myra na ipinasok siya ng kanyang sariling ina bilang lingerie model sa edad na sampu.

Minolestiya siya ng kanyang stepfather sa gulang na siyam, at biktima ng rape noong twelve years old siya.

myra manibog before and after

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Myra Manibog

Nakagagalit ang kuwento ni Myra na habang gumagawa siya ng actual penetration scenes, nasa set din ng pelikula ang nanay niya.

Kahanga-hanga ang asal ni Myra na hindi na nagtatanim ng galit laban sa kanyang inang namayapa. Naunawaan na niya ang naging sitwasyon nila noon pero hindi maitatangging bitbit pa rin ng tinaguriang “Penetration Queen” ang trauma ng kabataan nito.

Sa panayam ni Morly Alinio kay Cherrie, itinanggi nitong gumawa siya ng mga actual penetration scene sa kanyang mga pelikulang ginawa noon.

“May double siya,” paliwanag ni Cherrie.

cherrie madrigal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cherrie Madrigal

Tila hindi ito kapani-paniwala dahil kahit tatlumpo’t pitong taon na ang nakalilipas, mahahalungkat pa rin sa Internet ang mga kopya ng kanyang pelikulang may maseselang eksena.

Pero dapat unawain at hindi husgahan si Cherrie dahil may dahilan siya para pabulaanan ang nakaraan — ang kanyang mga anak na may karapatang magkaroon ng mapayapa na pamumuhay.

Postscript: Sa hindi pa malamang dahilan, binura ni Ayanna ngayong Huwebes, Disyembre 7, ang lahat ng mga Instagram post niya matapos makatanggap ng panlilibak mula sa netizen na hinusgahan ang pagiging sexy star niya.

ayanna misola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivamax star Ayanna Misola deletes all her Instagram posts a few hours after replying to a basher who posted a malicious comment on her childhood photo.
PHOTO/S: Ayanna Misola Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results