PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Annabelle Rama on Richard-Sarah Split

Annabelle Rama gigil na gigil magsalita tungkol sa hiwalayang Richard-Sarah.
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2023
annabelle rama richard-sarah split
Annabelle Rama on son Richard Gutierrez's rumored breakup with wife Sarah Lahbati: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata. Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”
PHOTO/S: @annabelleramaig on Instagram / Mark Atienza

Tuluyan nang binasag ni Annabelle Rama ang pananahimik tungkol sa napapabalitang paghihiwalay ng kanyang anak na si Richard Gutierrez at ng asawa nitong si Sarah Lahbati.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

Ibinuhos niya ang lahat ng saloobin sa pamamagitan ng isang kontrobersiyal na Facebook post ngayong Biyernes ng gabi, Disyembre 8, 2023.

Kung mahinahon si Annabelle sa panayam ng ABS-CBN News, tuluyan nang kumawala ang bugso ng kanyang damdamin na tiyak na pag-uusapan at pagpipistahang social media post niya.

Base sa mga pahayag ni Annabelle, sinabi niyang ayaw niyang maghiwalay sina Richard at Sarah. Pero nagulat na lamang daw siya nang biglang umuwi sa Pilipinas ang mga magulang ni Sarah.

Doon na raw nagsimula ang malaking gulo.

Gigigil na gigil man daw siyang magsalita pero pinigilan siya ng abogado.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline

Birada niya (published as is): “Mga Chismosang Marites!! Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time. Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida. Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida.

"Mali ang bentang nyo sa akin. Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag-ina.

“Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis.

"Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

“Kung hindi ako pinagbawalan ng lawyer na magsalita, mag-enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento.

"Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pahayag na ito ni Annabelle ang kumpirmasyong may malalim na problema sa pagsasama nina Richard at Sarah.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Annabelle Rama on son Richard Gutierrez's rumored breakup with wife Sarah Lahbati: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata. Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko.”
PHOTO/S: @annabelleramaig on Instagram / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results