PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Darryl Yap inaming nagka-girlfriend bago siya nag-out

Direk Darryl Yap inaming nagka-girlfriend bago siya nag-out
by Jojo Gabinete
Published Dec 10, 2023
darryl yap gay
Darryl Yap: “Nung college, nag-out ako sa parents ko. Sinabi ko na ‘I am gay. I have a relationship.’ Yung first relationship ko, it lasted five years. Pangmatagalan ako e… Motolite."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Nagpalakpakan ang mga nanood ng special screening ng Para Kang Papa Mo nitong Linggo ng tanghali, Disyembre 10, 2023, dahil nagustuhan nila ang kuwento at mga eksena ng reunion movie nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jao Mapa.

Read: Darryl Yap, binuking na nagkaalitan sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez

Mula sa direksiyon ni Darryl Yap ang Para Kang Papa Mo, nagpaluha rin ito sa manonood dahil hindi nila inaasahang matindi at tagos ang tama sa puso ng pelikula na labindalawang araw lamang mapapanood sa mga sinehan dahil sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25, 2023.

"Brutally frank" ang mga linya ng lahat ng mga karakter pero nangyayari ito sa tunay na buhay kaya R-13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa pelikula.

Tumatalakay sa pagsasakripisyo alang-alang sa mga minamahal, ang kahalagahan ng edukasyon, ang pangangalaga sa kapiligiran, ang wagas na pagmamahal at pagtanggap ng isang ama sa tunay na sexual preference ng kanyang anak na lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa cast ng Para Kang Papa Mo si Nikko Natividad na gumanap na gay son ni Mark, at si Ruby Ruiz na pinalakpakan ang lahat ng mga eksena dahil sa mahusay na pagganap at magaling na pagbibitaw ng kanyang mga punchline.

Read: Ruby Ruiz, next Pinay international star kasunod ni Dolly de Leon?

Malapit sa puso ni Yap ang pampamilyang kuwento ng Para Kang Papa Mo.

Ayon nga sa kanya, “No matter how similar your life is to your parents, you always have a choice.

“Ako, naniniwala ako na kung anuman ang [masama] na kinahinatnan ng mga anak, walang kinalaman ang mga magulang.

"Kapag may mabuting nangyari, nakamtan o narating ang isang anak, yon ay laging dahil sa magulang.

"Sapagkat sa palagay ko, kahit meron tayong mga isyu sa ating mga nanay at tatay, at the end of the day, they will not wish any harm to us," paliwanag ni Darryl.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Darryl, suportado ng kanyang mga magulang ang sexual orientation niya.

Kuwento niya, “After ng college, saka po ako nag-out. Yun ang first boyfriend ko noon. My mother was very supportive.

"Nakakahiyang aminin pero when I was in high school, I used to have a girlfriend.

“Tapos, yung nanay ko, ayaw niya. Halata kasing bading ako, e, so sabi niya huwag na akong gumamit ng tao.

“Nung college, nag-out ako sa parents ko. Sinabi ko na ‘I am gay. I have a relationship.’

“Yung first relationship ko, it lasted five years. Pangmatagalan ako e… Motolite.

"I have a relationship now. Wala pa ako sa showbiz, meron na akong karelasyon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darryl Yap: “Nung college, nag-out ako sa parents ko. Sinabi ko na ‘I am gay. I have a relationship.’ Yung first relationship ko, it lasted five years. Pangmatagalan ako e… Motolite."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results