Humihingi ng pinansiyal na tulong ang anak ng multi-awarded cinematographer na si Romy Vitug dahil nakaratay sa Gentri Medical Center and Hospital sa General Trias, Cavite, ang kanyang ama.
Read: Lito Lapid and Romy Vitug will be honored during the 29th PMPC Star Awards for Movies
Ginamit ni Dolor Vitug ang Facebook account nito para manawagan sa mga taong may mabubuting kalooban para tulungan ang 86-year-old ace cinematographer ng bansa.
Ang apela ni Dolor, published as is: “Need po ni Tatay Romy V. Vitug na mailipat na sa ICU ayon sa kanyang condition.
"Sya po ay kasalukuyang naka-confine sa Gentri Medical Center and Hospital sa sakit na Anemia at nagka-complication ng pneumonia.
“He needs financial and medical assistance. Please help us.”
Inilagay rin niya ang GCash number (0927-7478946) ng kanyang pinsan na si Aaron Vitug Mercado para sa mga nais magpadala ng tulong sa tatay niya.
Hindi matatawaran ang husay ni Romy bilang cinematographer. Ginawaran siya ng Lifetime Achievement Award sa Cinemanila International Film Festival noong 2000, Natatanging Gawad Urian noong Hunyo 2016, at Hall of Fame Award sa 45th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2019.
Ang "Hellow Soldier"—ang ikalawang kabanata ng trilogy movie ni Lino Brocka na Tatlo, Dalawa, Isa noong 1974—ang unang proyekto ni Romy bilang cinematographer.
Ilan sa napakarami at hindi malilimutanng pelikula ni Romy ay ang Alamat ni Juan Makabayan, Pagputi ng Uwak Pag-itim ng Tagak, Salome, Haplos, Paradise Inn, Hihintayin Kita sa Langit, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Saan Ka Man Naroroon, Kung Mahawi Man Ang Ulap, at Saan Nagtatago Ang Pag-ibig.
Isinilang si Romy sa Floridablanca, Pampanga, noong Enero 27, 1937.
Ang ama niyang si Honesto Vitug ang kinikilalang "Ama ng Philippine Photojournalism."
Ang Alamat ni Julian Makabayan—ang pelikula ng isa pang batikang direktor, si Celso Ad. Castillo, noong 1979—ang isa sa mga ipinagmamalaking proyekto ni Romy kahit hindi ito nanalo ng anumang parangal.
Bida rito si Christopher de Leon.
Sinabi ni Mang Romy sa panayam sa kanya: “I am always proud of Alamat Ni Julian Makabayan. Ginagawa pa lang namin, we were already criticized.
“Nung matapos, we were criticized again, martial law kasi. Kinopya raw namin from a foreign movie.
"Kahit hindi nanalo ng award, happy ako. Nanghihinayang ako bakit hindi nanalo, pero di ko makakalimutan."