Anim na araw pa lamang nananatili sa Safehaven Recovery Village sa Talamban, Cebu City, ang ‘80’s sexy star na si Brandy Ayala — Remedios Estrada sa tunay na buhay — pero bakas na ang malaking pagbabago sa hitsura niya.
Ito ay dahil sa tulong at pangangalaga sa kanya ng Battle Against Ignorance Foundation (BAI) na pinamumunuan ng dating aktor at model na si Lito Gruet.
Mula sa tahanan niya sa Tondo, Maynila, dinala si Brandy ng grupo ng BAI sa Cebu City noong Disyembre 5, 2023, para tulungan siyang gumaling at bumalik sa normal ang pamumuhay.
Matagal nang palabuy-laboy sa lansangan ang 58-year-old former sexy star.
Read: Nawawalang dating sexy star na si Brandy Ayala, namataan sa Mandaluyong
Nakuha niya ang atensiyon ni Lito at ng mga kasamahan nito sa BAI nang mapanood siya sa vlog ng entertainment writer na si Morly Alinio.
Read: Lito Gruet, gustong tulungang magbagong-buhay si Brandy Ayala
Nakipag-ugnayan ang BAI kay Morly kaya naisakatuparan ang pagdadala kay Brandy sa Safehaven Recovery Village, ang lugar na tahanan ng mga taong grasa o homeless people na tinutulungan nila para gumaling, magkaroon ng pag-asa sa buhay, at maibalik ang dignidad sa sarili.
“No resistance,” sagot ni Lito nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Brandy nang kunin ito ng rescue team mula sa Tondo para ilipad sa Cebu noong Disyembre 5.
“Magaling yung partner namin na rescue team. Morly Alinio was instrumental for this to happen.
"For now she is adjusting to her new environment. She is now staying at Safehaven Recovery Village where she will be sheltered, fed, treated, cared for, and loved."

Ikinuwento ni Lito ang detalye ng pagliligtas nila kay Brandy mula sa kalunus-lunos na kalagayan nito.
“Thru the blessings of BAI and Safehaven's president, Pastor Ronnie delos Santos, we were given the go signal to proceed.
“We then created a group which included Azenith Briones, Morly, and Safehaven general manager Emmanuel Llenos to do the organizing and planning.
“Since we are Cebu-based, we collaborated with Udrive Group of Coaches who did the actually rescue and transported Brandy by commercial airlines using their own funds.
“The team applied their Trauma-response approach and completed all the documentation requirements with the consent of Brandy's immediate kin."
Dagdag pa ni Lito, “Safehaven Recovery Village will be Brandy’s new home, with all her needs provided for and will be supervised by our professional staff.
“BAI Foundation will continue to support her with all her needs. BAI Foundation is here to help the neglected, the abandoned, the lonely, broken, wounded and hurting and we need your support to be able to sustain loving and caring for all of those we have rescued who live in the facility.”

Kasunod nito ay umapela si Lito na kailangan nila ng pinansiyal na suporta sa mga taong handang tumulong para sa mga homeless na iniligtas ng BAI mula sa miserable at malungkot na pamumuhay sa kalye.
Ang mabilis na pagbabago ng anyo at kalagayan ni Brandy, buhat nang tulungan ito ng BAI at Safehaven Recovery Village, ang patunay na may pag-asang gumaling ang mga taong nawawalan ng pag-asa at dumaranas ng matinding depresyon dahil sa walang hangganang pagmamahal ng mga taong hindi nila kadugo pero masidhi ang pagmamalasakit sa kanila.