PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sean de Guzman seeks exit from Len Carillo

"Nakaka-sad lang on my part na siyempre, seven years is seven years."
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2023
Sean De Guzman and Len Carillo
Len Carillo (left) on Sean de Guzman's decision to leave her talent management company: "Na-brainwash niya nang sobra si Sean. Ang point ko is noong walang-wala pa si Sean, wala naman siya sa tabi ng anak niya. Ako ang kasama ng bata. At ngayon na medyo kahit papaano, umaalagwa pa lang ang career niya, nakikialam na ang nanay niya."

Hindi lamang ang mga showbiz couple ang naghihiwalay bago magpaalam ang 2023 dahil nagbabadya na mangyari rin ito sa sexy actor na si Sean de Guzman at sa kanyang manager na si Len Carrillo.

"Naiipit sa nag-uumpugang bato" ang sitwasyon ngayon ni Sean dahil sa hidwaan ng dalawang babae: ang nanay niya na nagluwal sa kanya at si Len, ang talent manager at movie producer na inalagaan at itinuring siya na tunay na anak.

Pumayat at tila problemado si Sean nang dumalo ito sa press conference ng Ganti-Ganti noong Disyembre 4, 2023 dahil sa isyu na kinakaharap niya.

Noong Disyembre 1, 2023, nagpaalam na si Sean kay Len dahil ito umano ang kagustuhan ng kanyang ina.

Hanggang 2027 pa ang exclusive contract na pinirmahan ni Sean sa 3:16 Media Network, ang talent management company ni Len.

Si Len din ang nakapirma sa kontrata ni Sean sa Viva Films, kaya malaki ang posibilidad na humantong sa korte ang usapin kapag may paglabag na magaganap sa kanilang kasunduan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Len ngayong Huwebes ng umaga, Disyembre 14, 2023, ipinagtapat niya na ang nanay ni Sean ang ugat ng kaguluhan.

"Hindi pa kami nakakapag-usap nang masinsinan ng bata," tukoy ni Len kay Sean.

Patuloy ni Len, "Bata dahil ako, being his mom for 7 years, naiintindihan ko na masyado siyang nape-pressure ngayon.

"Nakaka-sad lang on my part na siyempre, seven years is seven years.

"Sa akin nakatira si Sean tapos bigla na lang siyang babalik sa nanay niya na nakikialam sa lahat."

Ayon kay Len, siya ang nag-aruga kay Sean noong 16 years old pa lamang ito hanggang maging ganap na binata.

"Na-brainwash niya nang sobra si Sean. Ang point ko is noong walang-wala pa si Sean, wala naman siya sa tabi ng anak niya. Ako ang kasama ng bata.

"At ngayon na medyo kahit papaano, umaalagwa pa lang ang career niya, nakikialam na ang nanay niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaliwanag ni Len na masalimuot ang relasyon ni Sean sa ina.

"Mabait na bata kasi yan. At kahit hindi siya lumaki sa nanay niya, nanay pa rin niya yon.

"Noong mga panahon na galit siya sa nanay niya, ako ang nagturo sa kanya na ang mga nanay ay nanay.

"Although may mga pagkakamali ang nanay niya, ako ang nagpapaliwanag sa kanya na nanay pa rin niya ito," kuwento ni Len tungkol sa pagsubaybay at mga pangaral niya kay Sean para hindi ito magtanim ng galit sa ina na nagbigay ng buhay sa kanya.

August 2017 nang pumirma si Sean ng kontrata sa talent management company ni Len.

At pagkatapos niyang magbida sa pelikula na Anak ng Macho Dancer (2021), muli siyang nag-renew ng kontrata.

"Si Sean mismo ang nagsabi sa akin na 'Nanay, mag-renew ako ng contract. Walang iwanan.’ Yan ang eksaktong salita sa akin ni Sean at the time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mauwi kaya ito sa legal battle?

"Aabot lang siguro kami sa korte kapag siya ang unang sumipa na aalis siya under my management. Siyempre, that’s the only time na papalag ako," direktang sabi ni Len.

Ang mensahe niya para kay Sean:

"For Sean, mahal na mahal ko yung bata na yan. Lahat naman ng artists ko, mahal ko.

"Nakita naman ng lahat kung paano ko sila inalagaan at ipinaglaban."

Ano ang mensahe mo para sa ina ni Sean?

Matigas na sagot ni Len, "For his mom, wala!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Len Carillo (left) on Sean de Guzman's decision to leave her talent management company: "Na-brainwash niya nang sobra si Sean. Ang point ko is noong walang-wala pa si Sean, wala naman siya sa tabi ng anak niya. Ako ang kasama ng bata. At ngayon na medyo kahit papaano, umaalagwa pa lang ang career niya, nakikialam na ang nanay niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results