PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres Umalis sa Show Dahil sa Bully ng Aktor

Lantaran ang pagpapakita ng aktor na ayaw nito sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2023
blind item about a good-looking actor being the cause of pretty actress' breakup
Lantaran ang pagpapakita ng aktor na ayaw nito sa kanya.
ILLUSTRATION: Igi Talao

"Bullying victim" ang aktres kaya desidido na ito na magpaalam sa programa na kanyang kinabibilangan.

Ang aktor na kasamahan niya sa television show ang itinuturo na aktres na nagmamaltrato sa kanya; at ang pag-alis sa kanilang programa para mapangalagaan ang mental health ang naisip niya na solusyon.

Matagal nang palaisipan sa aktres ang pagiging mainit ng dugo ng aktor sa kanya dahil walang dahilan para i-bully siya nang paulit-ulit.

Kung lantaran ang pagpapakita ng aktor na ayaw niya sa aktres, magiliw na magiliw naman siya sa ibang mga co-star nila.

Hindi madali para sa aktres ang talikuran ang kanilang programa dahil napamahal na sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho, pero mas pinahahalagahan niya ang mental na kalusugan at respeto sa sarili.

Ang magkakasunod na proyekto na gagawin ng aktres sa home studio nito na kapalit at higit pa sa show na nakatakda niya na iwan ang kanyang pampalubag-loob.

Makatutulong sa aktres ang pagiging abala para pansamantala na mawaglit mula sa isip niya ang pagmamalupit na ipinararanas sa kanya ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More blind items on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lantaran ang pagpapakita ng aktor na ayaw nito sa kanya.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results