PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gloria Romero nagdiwang ng ika-90 na kaarawan

Muling nasilayan ng publiko si Gloria matapos ang coronavirus pandemic.
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2023
Gloria Romero
Naging emosyunal si Gloria Romero sa pagdiriwang na inihandog para sa kanyang ika-90 na kaarawan. Kaliwa: si Gloria nung kanyang kabataan nang magsimula siya sa showbiz, taong 1951.
PHOTO/S: themoviedb.org (left) / Maritess Gutierrez and Rica Maceda

Ngayong Sabado, Disyembre 16, 2023 ang ika-90 na taon na kapanganakan ng Philippine movie queen at nirerespetong aktres na si Gloria Romero.

Ipinagdiwang ni Romero ang kanyang kaarawan sa Sampaguita Events Place sa Sampaguita Studios compound sa Valencia Street, Quezon City, noong Biyernes nang gabi, Disyembre 15, 2023.

Bago nagsimula ang kasiyahan, isang banal na misa na pinangunahan ni Fr. Dave Concepcion ang idinaos na dinaluhan ng pamilya, mga kaibigan, at kasamahan sa industriya ng beteranang aktres.

Father Dave and Senator Grace Poe

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang selebrasyon ng ika-90 na kaarawan ni Gloria ang unang pagkakataon na muli siyang nasilayan ng publiko matapos ang coronavirus pandemic na nag-umpisa noong Marso 2020.

“It was so moving and intimate. She kept crying,” ang pahayag sa Cabinet Files ni Rica Maceda, isa sa mga bisita at nagmamahal kay Gloria na nasaksihan ang buong pangyayari.

Gloria Romero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa edad na 90, glamorosang-glamorosa pa rin ang aktres na binansagang First Lady of Philippine Cinema at ito ang napansin ng lahat ng mga bisita.

Helen Gamboa, Ciara Sotto, Celia Rodriguez, Pepito Rodriguez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Madamdamin ang muling pagtuntong ni Gloria sa Sampaguita compound dahil dito nagsimula noong 1951 ang acting career niya at ang katuparan ng kanyang mga pangarap.

Sina Boots Anson Roa-Rodrigo, Barbara Perez, Marita Zobel, Daisy Romualdez, Pepito Rodriguez, Helen Gamboa, Celia Rodriguez, Imelda Ilanan, Liza Lorena, Ricky Davao, Gina Alajar, Butch Francisco, Ciara Sotto, at Harlene Bautista ang ilan sa mga personalidad na dumalo sa importanteng araw ni Gloria na maligayang-maligaya dahil nakapiling niya ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

Gloria Romero Birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gloria Romero Birthday

Gloria Romero Birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr., Congressman Edward Maceda, Rica Maceda, Dr.Gel Maceda and Gloria Romero

Isang dance medley ang inihandog kay Gloria ng kanyang anak na si Maritess at apo na si Chris Gutierrez.

Dance medley number of Maritess and son Chris

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalayan din siya ni Maritess ng awit, ang "Through The Years" samantalang ang medley ng "Maalala Mo Kaya," "Hindi Kita Malimot," at "Dahil Sa ’Yo" ang kinanta ng tatlong anak na lalaki ni Marichu Vera Perez-Maceda.

Maceda Brothers

Matalik na kaibigan ni Gloria, si Marichu o kilala sa showbiz bilang Manay Ichu na producer ng Sampaguita Pictures, at isa sa mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino na pumanaw naman noong Setyembre 7, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging emosyunal si Gloria Romero sa pagdiriwang na inihandog para sa kanyang ika-90 na kaarawan. Kaliwa: si Gloria nung kanyang kabataan nang magsimula siya sa showbiz, taong 1951.
PHOTO/S: themoviedb.org (left) / Maritess Gutierrez and Rica Maceda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results