PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diana Zubiri nalungkot nalalapit pagbuwag Sampaguita Gardens

Hindi kasama sa demolition ang Vera Perez ancestral house
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2023
Sampaguita Gardens facade
Nalungkot ang aktres na si Diana Zubiri (not in photo) nang mabalitaan niya ang nalalapit na pagbuwag sa Sampaguita Gardens, bahagi ng makasaysayang Sampaguita Pictures estate na pagmamay-ari ng pamilya Vera Perez. Dito kasi idinaos ang kanyang kasal at wedding reception noong May 10, 2015.

Makasaysayan ang pagdiriwang ng veteran actress na si Gloria Romero ng kanyang 90th birthday sa Sampaguita Events Place noong Biyernes, Disyembre 15, 2023 dahil posibleng siya na ang huling showbiz personality na nagkaroon ng selebrasyon sa naturang lugar dahil bilang na ang mga araw ng film studio na gumawa ng mga pelikulang naghatid ng aliw sa mga manonood.

Gloria Romero Birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gloria Romero Birthday

Ang pamilya Vera Perez ang may-ari ng Sampaguita Pictures Studio na malaki ang ambag sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino na hindi makukumpleto kapag hindi mababanggit ang mga kontribusyon ng mag-asawang producer, sina Dr. Jose Perez at Azucena at kanilang anak na si Marichu Vera Perez-Maceda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagbili ng Vera Perez family sa Ayala Corporation ang Sampaguita Pictures Studio noong 2022 pero mananatiling bukas ang events place hanggang June 2025.

Plano ng Ayala Corporation na magtayo ng mall at condominium building sa malawak na lupain ng mga Vera Perez sa kanto ng Valencia Street at Senator Jose Vera Street na kilala sa dating pangalan na Granada Street sa Quezon City.

Kasama sa Phase 1 ng magaganap na konstruksyon ang Sampaguita Chapel na isang malungkot na balita dahil bahagi rin ng mga pelikula ng Sampaguita Pictures ang kapilya na lokasyon ng mga eksena ng pag-iisang-dibdib.

Isa si Diana Zubiri sa mga nalungkot nang malaman nito ang nalalapit na pagkawala ng Sampaguita Gardens na bahagi ng Sampaguita Pictures Studio dahil dito sila ikinasal ng kanyang asawa na si Andy Smith at idinaos naman ang kanilang wedding reception sa Sampaguita Events Place noong Mayo 10, 2015.

Sampaguita Gardens facade

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diana Zubiri
Andy Smith

“Nakakalungkot naman,” ang reaksyon ni Diana dahil bahagi ang Sampaguita compound ng isang importanteng pangyayari sa buhay nila ng asawa niya.

Diana Zubiri
Andy Smith

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may ikinatuwa si Diana, hindi kasama sa mga mabubuwag na gusali ang Vera Perez ancestral house na hindi rin niya malilimutan dahil dito siya inayusan at nagbihis ng kanyang damit na pangkasal.

Diana Zubiri

Diana Zubiri
Andy Smith

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We kept the main house,” ang sabi ng isang miyembro ng pamilya Vera Perez tungkol sa malalabi na alaala ng Sampaguita Pictures Studio, ang kanilang makasaysayan na tahanan na naging immortal sa pelikula dahil dito kinunan ang mga eksena ng maraming proyekto na pinagbidahan noon ng mga movie queen na sina Gloria Romero, Susan Roces, Amalia Fuentes at Carmen Rosales.

Ang Bituing Marikit noong 1937 ang una at ang Batch ’81 ang huling proyekto ng Sampaguita Pictures bago itinuon ng mga may-ari ang atensyon sa film distribution at post-production ng mga pelikula.

Bituing Marikit movie poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batch '81 movie poster

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nalungkot ang aktres na si Diana Zubiri (not in photo) nang mabalitaan niya ang nalalapit na pagbuwag sa Sampaguita Gardens, bahagi ng makasaysayang Sampaguita Pictures estate na pagmamay-ari ng pamilya Vera Perez. Dito kasi idinaos ang kanyang kasal at wedding reception noong May 10, 2015.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results