PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez on Guwapings Reunion Movie Reviews

Mark Anthony, kasama sa cast ng TV remake ng Lumuhod Ka Sa Lupa
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2023
Mark Anthony Fernandez
Eric Fructuoso
Jao Mapa
Mark Anthony Fernandez (kaliwa, with fellow Guwapings members Eric Fructuoso and Jao Mapa), nag-react sa positive reviews ng film critics at manonood sa Para Kang Papa Mo, ang Guwapings reunion movie: “I’m glad na na-entertain namin sila, nabigyan ng magandang drama at komedya. Nagpapasalamat ako sa naging reaksyon nila. Sana, lalo pa namin silang ma-entertain in the future.”
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Maligayang-maligaya si Mark Anthony Fernandez dahil pinupuri ng mga film critic at ng manonood ang kanyang husay sa pag-arte sa Para Kang Papa Mo, ang reunion movie nila ng kapwa niya Guwaping members na sina Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Mark Anthony Fernandez
Eric Fructuoso
Jao Mapa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m glad na na-entertain namin sila, nabigyan ng magandang drama at komedya. Nagpapasalamat ako sa naging reaksyon nila. Sana, lalo pa namin silang ma-entertain in the future,” ang pahayag ni Mark sa eksklusibong pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.

Hindi lamang ang mahusay na pagganap ni Mark sa Para Kang Papa Mo ang napansin dahil tumanggap din ng mga papuri ang character actress na si Ruby Ruiz at si Darryl Yap, ang sumulat ng kuwento at direktor ng pelikula na nagpatawa at nagpaiyak sa mga nanood.

“I’m super happy. Naging fan ako at kinilig dahil nakatrabaho ko si Tita Ruby Ruiz. Ang galing niya,” ani Mark na pinasalamatan si Yap dahil ipinagkatiwala nito sa kanya ang lead role sa pelikula na ibinuhos niya ang lahat ng kakayahan sa pag-arte.

“Nagpapasalamat din ako sa Hashtags at sa mga nanood dahil napansin nila ang obra namin. Maraming salamat sa magagandang komento.”

Exclusive contract si Mark ng Viva Artists Agency (VAA), ang talent management arm ng Viva Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mark Anthony Fernandez

Sa lahat ng contract star ng VAA, si Mark ang pinakaabala at hindi nawalan ng trabaho ngayong 2023 dahil labing-isa ang mga ginawa niya na proyekto, kabilang ang mga pelikula sa Viva Films, Vivamax at television series.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa Viva Films at sa sining ng Pilipinas,” ang sabi ni Mark na mapapanood sa television adaptation ng Lumuhod Ka Sa Lupa, isa sa mga blockbuster action-drama movie noong 1986 ng kanyang pumanaw na ama na si Rudy Fernandez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi makapaniwala si Mark na makalipas ang tatlumpu’t pitong taon, isa siya sa mga artistang magkakaroon ng partisipasyon sa television remake ng pelikula ng tatay niya na ipinalabas sa mga sinehan noong August 2, 986.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez (kaliwa, with fellow Guwapings members Eric Fructuoso and Jao Mapa), nag-react sa positive reviews ng film critics at manonood sa Para Kang Papa Mo, ang Guwapings reunion movie: “I’m glad na na-entertain namin sila, nabigyan ng magandang drama at komedya. Nagpapasalamat ako sa naging reaksyon nila. Sana, lalo pa namin silang ma-entertain in the future.”
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results