PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Femme Fatale" na aktres, dinedma ng sikat na Kapuso actor

Sadyang friendly lang daw ang aktres kaya ganun.
by Jojo Gabinete
Published Dec 17, 2023
Blind Item, Femme Fatale
Hindi umubra ang karisma ni Femme Fatale na Aktres sa Kapuso actor na pinadalhan nito ng private messages.

Hindi pinansin ng popular na Kapuso actor ang private message na natanggap niya mula sa isang aktres na binansagan na “femme fatale” dahil nagbibigay ito ng problema sa mga kalalakihan.

Tatlong showbiz couple ang nasira ang relasyon dahil sa aktres na may ugaling sinusundan ang mga social media account ng mga kalalakihan na pumupukaw sa kanyang atensyon at saka niya pinadadalhan ng mensahe para makipagkaibigan.

Kung marupok ang lalaki, imposibleng hindi ito mabighani sa alindog ng friendly actress. Pero hindi umubra ang karisma nito sa aktor na ipinagwalang-bahala ang kanyang ipinadalang mensahe.

Pinagsamang French at Latin words ang femme fatale na ang ibig sabihin ay isang kaakit-akit na babae na nagdudulot ng kapahamakan sa mga lalaki na nasasangkot dito. Na siyang nangyayari nga sa mga kalalakihang nauugnay sa aktres.

Pero hindi nga nagtagumpay ang aktres sa pinuntirya niyang aktor na may disente at one-woman-man na reputasyon.

May mga nagsasabimg likas na palakaibigan lang ang maganda at malambing na aktres na nasasangkot sa mga kontrobersya dahil nabibigyan ng malisya ang pagiging malapit niya sa opposite sex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may mga naniniwala na nangangailangan siya ng propesyunal na tulong para maging normal ang kanyang mga inaasal.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi umubra ang karisma ni Femme Fatale na Aktres sa Kapuso actor na pinadalhan nito ng private messages.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results