PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Burol para kay Ronaldo Valdez

Chanda Romero at Andrew Gan, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez.
by Jojo Gabinete
Published Dec 18, 2023
ronaldo valdez wake
Wake for the cremated remains of veteran actor Ronaldo Valdez begins at the Garden Suite of Loyola Memorial Chapels & Crematorium in Guadalupe, Makati City.

Nagsimula ang lamay para sa mga labi ni Ronaldo Valdez ngayong Lunes ng gabi, Disyembre 18, 2023.

Pumanaw ang premyadong beteranong aktor, Linggo ng hapon, Disyembre 17, 2023. Siya ay 77.

Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77

Nakaburol ang cremated remains ni Ronaldo sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels & Crematorium sa Guadalupe, Makati City, pero hindi pa nagbibigay ng detalye ang pamilya niya tungkol sa petsa ng kanyang inurnment.

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa mga naulila ni Ronaldo ng kanyang mga kaibigan at tagahanga na labis nabigla sa pagpanaw niya, walong araw bago sumapit ang Pasko.

“You will be missed. Sorely missed,” reaksiyon ng aktres na si Chanda Romero tungkol sa paglisan ni Ronaldo.

Maraming beses nagkasama sa pelikula ang dalawa, at si Ronaldo ang isa sa mga paboritong kapareha ni Chanda.

ronaldo valdez chanda romero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ronaldo Valdez and Chanda Romero

“Ron…One of my favorite leading men…a real treasure in Philippine movie industry…a perfect gentleman with a sweet and happy disposition and wicked wit. Rest well, my dear friend,” pahayag pa ni Chanda.

Gumanap si Chanda bilang asawa ni Ronaldo sa Karma, isa sa mga pinakamagagandang pelikulang pinagbidahan nila noong 1981, kasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Read: Vilma Santos at Anjo Yllana, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez

karma 1981 poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang aktor na si Andrew Gan Calupitan ang isa sa mga labis na nasaktan sa pagkawala ni Valdez dahil naging magkaibigan sila nang magkasama sa TV series na 2 Good 2 Be True ng Kapamilya Channel.

“You’re the lolo I never had,” paglalarawan ni Andrew kay Ronaldo.

Sinumbatan pa niyang "madaya" ang beteranong aktor dahil sa nakabibiglang paglisan nito.

“Ang daya mo naman! Gigimik pa tayo di ba? Mami-miss ko yung tatawag ka sa akin nang biglaan para mag-aya na uminom ng 6 pm. Mami-miss ko yung jokes and halakhak mo,” nagdadalamhating mensahe ni Andrew para kay Ronaldo.

Pinasalamatan din ni Andrew si Ronaldo sa pagiging mabuting kaibigan at pagiging lolo nito sa entertainment industry.

ronaldo valdez andrew ronald gan

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Itutumba Ka Ng Tatay Ko, ang debut directorial job ng kanyang anak na si Janno Gibbs, ang isa sa mga huling proyekto na ginawa ni Ronaldo bago ito namatay.

Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan simula sa January 17, 2024.

Dahil sa nabanggit na playdate, mapapansing hitik sa numero 7 ang mga pangyayari sa buhay ni Ronaldo.

Nobyembre 27 ang kanyang kaarawan, samantalang Disyembre 17 naman ang araw ng kamatayan niya sa edad na 77.

Maaaring nagkataon lamang ang lahat pero may mga taong binibigyan ng kahulugan ang koneksiyon ng numero 7 sa mga kaganapan sa buhay ni Ronaldo.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wake for the cremated remains of veteran actor Ronaldo Valdez begins at the Garden Suite of Loyola Memorial Chapels & Crematorium in Guadalupe, Makati City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results