PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sensitibong video ni Ronaldo Valdez kumakalat sa social media

Mga nagmamalasakit sa pamilya Gibbs, nakiusap na itigil na ang pagpapakalat ng maselang video.
by Jojo Gabinete
Published Dec 19, 2023
ronaldo valdez
Umapela ang mga nagmamalasakit sa naulilang pamilya ni Ronaldo Valdez na huwag nang ibahagi sa social media ang leaked video dahil napakahirap ng sitwasyong pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
PHOTO/S: @tito.ron.valdez on Instagram

Malinaw na hindi pinagbigyan ng ilang katao ang pakiusap ni Janno Gibbs at ng pamilya nito na igalang ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ama, ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

"The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment," bahagi ng panawagan ni Janno.

Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez

Ipinagwalang-bahala ang panawagan ng mga taong hindi kapamilya ng yumao nguni't detalyadong nagkuwento ng mga eksenang nasaksihan noong Linggo ng hapon, Disyembre 17, 2023.

Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77

Ang sukdulan dito ay kumakalat ngayon sa social media ang maselang video na may kinalaman sa pagkamatay ni Ronaldo.

Ipinapakita nito ang pagpasok ng mga imbestigador sa kuwarto ng aktor.

Kita rin dito ang aktor.

Hindi ipapakita ng PEP.ph ang video bilang respeto sa privacy ng namayapang aktor at sa pinagdaraanan ng pamilya nito.

Nag-apela uli ang mga nagmamalasakit sa naulilang pamilya dahil napakahirap ng sitwasyong pinagdaraanan nila sa kasalukuyan na huwag nang ikalat ang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian ng buhay si Ronaldo sa edad na 77.

Nakaburol ang cremated remains nito sa Garden Suite ng Loyola Memorial Chapels & Crematorium sa Guadalupe, Makati City.

Nagsimula ang lamay para sa multi-awarded actor kahapon, Lunes, Disyembre 18, pero hanggang ngayong Martes, Disyembre 19, lamang ito idaraos.

Read: Burol para sa mga labi ng veteran actor na si Ronaldo Valdez nagsimula na

Sina Gelli de Belen, Anjo Yllana, at Kathryn Bernardo ang tatlo sa mga kaibigan ng pamilya Gibbs na nakiramay sa unang gabi ng burol ng pumanaw na aktor.

ronaldo valdez wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

anjo yllana kathryn bernardo

Inaasahan ang pagdating ng iba pang mga nagmamahal na mga kaibigan at kasamahan ni Ronaldo mula sa entertainment industry na makikiramay, magbibigay-pugay at mag-aalay ng mga panalangin.

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umapela ang mga nagmamalasakit sa naulilang pamilya ni Ronaldo Valdez na huwag nang ibahagi sa social media ang leaked video dahil napakahirap ng sitwasyong pinagdaraanan nila sa kasalukuyan.
PHOTO/S: @tito.ron.valdez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results