PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Revillame's Christmas Millionaire Surprise

Willie Revillame, tiniyak na babalik ang Wowowin sa telebisyon sa 2024.
by Jojo Gabinete
Published Dec 19, 2023
willie revillame wowowin
PHOTO/S: Wowowin Facebook

Inasahan ni Willie Revillame na marami sa mga kababayan ang nag-aabang sa Pamaskong Regalo ng Wowowin, ang limited engagement sa Facebook at YouTube ng kanyang popular game and public service show.

Pero hindi niya akalaing milyun-milyong Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo ang tututok sa programang napanood simula noong Lunes, Disyembre 18, 2023 at matutunghayan lamang hanggang sa darating na Biyernes, Disyembre 22, 2022.

Read: Wowowin ni Willie Revillame magbabalik for a limited engagement

Maligayang-maligaya si Willie at paulit-ulit ang pasasalamat nito sa mga tumatangkilik sa pag-uumpisa ng limited engagement ng Wowowin na ibinalik niya sa kagustuhang mapasaya at mabigyan ng pag-asa ngayong Kapaskuhan ang mga matatapat na tagasuporta ng matagal nang naghihintay sa pagbabalik sa telebisyon ng kanyang programa.

Nagtala ng 2,074,298 reach, 598,368 engagements, 164,657 reactions, 379,284 comments, 54,427 shares, at 778, 524 views para sa dalawang oras na live broadcast in less than 24 hours ang Facebook performance at interactions ng Pamaskong Regalo ng Wowowin sa unang araw ng live streaming nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

wowowin engagement

Gulat na gulat si Willie dahil sa napakainit na pagtanggap ng publiko.

Naniniwala si Willie na tataas pa ang bilang ng mga susubaybay sa kanyang programa ngayong Martes, Disyembre 19 hanggang sa Biyernes.

“Hindi ko ito ine-expect kaya maraming-maraming salamat sa lahat. I am sure lalakas pa yan dahil meron kaming bagong game, ang 'Ayos The Numbers' or 'ATN,' saka yung 'Spin-A-Wheel' ko, tatlo na para mabuo ng contestant ang word na WIN.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pipili sila. Halimbawa W ang pinili nila, mag-spin sila ng wheel. At kapag nabuo nila ang mga letra ng WIN, mananalo sila ng P30,000,” kuwento ni Willie tungkol sa interactive game ng Wowowin.

Puwede itong lahukan ng mga OFW sa buong mundo at maging ng mga kabataang estudyante dahil may kinalaman sa kasaysayan ang kanyang mga katanungan para sa bagong laro na sariling konsepto niya.

“Ang mga question ko, informative at educational. Parang binabalikan ng mga contestant yung mga natutunan nila noon sa school tulad ng mga importanteng petsa sa kasaysayan ng Pilipinas kaya puwedeng sumali at manalo ang mga estudyante,” ani Willie.

Masiglang-masigla at inspiradong-inspirado dahil sa positibo at magandang resulta ng unang araw ng limited engagement ng Wowowin sa Facebook at YouTube channel ng programa.

Nagbitaw si Willie ng pangakong tiyak na ibabalik nito ang Wowowin sa 2024, kasunod ang mariing paglilinaw na hinding-hindi niya gagamitin ang mga kapus-palad na mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From the bottom of my heart, lahat ng naging success ng buhay ko dahil po sa inyo. Never kong ginamit ang mga mahihirap. Hindi ho ako manggagamit, ako po ang magbibigay.

“Wala po akong hiningan na mahihirap. Hindi ko po kayo gagamitin sa buhay ko dahil hindi ko po kayo kailangang gamitin. Galing po ako kung saan kayo galing. Alam ko po ang buhay ninyo, alam ko po ang nararamdaman ninyo.

“Kaya kung anuman ang meron ako, utang na loob ko po sa bawat Pilipino na nagmahal sa programa ko from ABS-CBN to TV 5 and GMA 7.

“At hanggang ngayon, kahit wala na ako sa telebisyon, gagawa pa rin ako ng paraan, kahit magbenta ako ng bahay, ng properties na meron ako, magbenta ako ng relos dahil wala akong trabaho ngayon, gagawin ko para matuloy ang programang ito,” pahayag at pangako ni Willie para sa matatapat na tagasuporta ng Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Wowowin Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results