PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male Figure: Strained Relations with Bride

Nanganganib silang madagdag sa showbiz breakups 2023
by Jojo Gabinete
Published Dec 24, 2023
Blind item about 30-year-old actor's ex-girlfriend who had a secret affair with pamilyadong aktor
Nanganganib silang madagdag sa showbiz breakups 2023

Kung hindi malulutas ang mga problema sa relasyon ng dalawang sikat na personalidad, nanganganib silang mapadagdag sa listahan ng celebrity couples na naghiwalay ngayong 2023.

Ginagawa ng popular male personality ang lahat ng klase ng panunuyo para hindi humantong sa hiwalayan ang matagal nang pagsasama nila ng girlfriend niyang tila hindi na masaya sa kanyang piling.

Nagkukuwento na ang babae sa mga kaibigan tungkol sa mga pagkukulang sa kanya ng popular male personality, isang pahiwatig na nagiging malala na ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

Marunong ang male personality dahil hindi nito ipinahahalata sa mga tao na nagkakalabuan na sila ng kasintahan.

Magaling magpanggap ang male personality dahil hindi mababakas sa kanyang mga kilos at pananalita na may matinding pagsubok na pinagdaraanan ang relasyon nila ng girlfriend na natuto na ring magkunwaring maayos ang kanilang pagsasama.

Pero may hangganan ang lahat dahil tiyak na darating ang araw na hindi nila makakayanan ang sobrang pagbabalatkayo at mapipilitan silang magpakatotoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa umaabot sa pitong taon ang pagmamahalan ng celebrity couple dahil kapag nabulgar ang katotohanan at nakumpirma ang kanilang hiwalayan, sila ang wawasak sa record ng showbiz couples na tumagal ng labing-isa hanggang labingdalawang taon ang relasyon bago naghiwalay—sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Kim Chiu at Xian Lim.

MORE BLIND ITEMS:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanganganib silang madagdag sa showbiz breakups 2023
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results