PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, kinukuwestiyon pa rin ng netizens sa Rob Gomez issue

Herlene Budol, dapat pa bang sagutin ang bawat batikos sa kanya ng netizens?
by Jojo Gabinete
Published Dec 25, 2023
Herlene Budol and Rob Gomez
Herlene Budol (kaliwa), totohanin kaya ang bantang magsasampa ng reklamo sa nagpakalat ng screenshot ng palitan ng mensahe nila ni Rob Gomez (kanan)?
PHOTO/S: @herlene_budol / robgomez.23 Instagram

Kung nais ni Herlene Budol magkaroon ng kapayapaan at mahinto ang mga malisyosong balita tungkol sa kanila ni Rob Gomez, isa lang ang kanyang dapat gawin.

Manahimik.

Hangga’t naglalabas si Herlene ng mga pahayag para ipagtanggol ang sarili, patuloy siyang babatikusin at paglalaruan ng netizens na ayaw tanggapin ang anumang paliwanag niya.

Ang dahilan, mas pinaniniwalaan ng netizens ang mga unauthorized screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Rob na inilabas sa Instagram account nito.

Ang ex-girlfriend ng aktor na si Shaila Rebortera ang itinuturong may kagagawan ng pag-release ng controversial screenshots.

Nagbanta si Herlene na puwede itong magsampa ng kaso ng paglabag sa Data Privacy Act of 2012 o Republic Act 10173 laban sa naglabas ng screenshots ng pag-uusap nila ni Rob.

At kung talagang seryoso siyang mabigyan ng hustisya ang sarili, dapat ipaalala sa kanyang ginagawa at hindi lang sinasabi ang banta niya.

Kapag hindi naghain ng reklamo si Herlene, hindi malabo na akusahan siyang publicity stunt lamang ang pag-iingay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung itutuloy ni Herlene ang pagsampa ng kaso, may dapat ikabahala si Shaila na isang dentista. Baka madamay ang kanyang propesyon.

Bilang health care worker, obligasyon ni Shaila na protektahan ang mga pasyente niya, pero kung masasangkot siya sa eskandalo na may kinalaman sa paglabag sa data privacy, may dahilan para mabahiran ng pagdududa ang kanyang integridad.

BIANCA MANALO AND SHERWIN GATCHALIAN

Mula naman sa unang "no comment" na sagot sa tanong ng media, idineklara ni Senator Sherwin Gatchalian: "Bianca Manalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart."

Read: Senator Sherwin Gatchalian on Bianca Manalo: "No fake news will divide us apart.”

Nakatulong ang mga salitang binitawan ni Gatchalian para mabawasan ang mga panghuhusga laban sa kanya at kay Bianca.

Nadawit sila sa eskandalo dahil lumabas din ang screenshot ng pribadong pag-uusap ng girlfriend niya at ni Rob.

Parang nabuhusan din ng tubig ang naglalagablab na eskandalo dahil sa diretsahan pero edukadong opisyal na pahayag ni Bianca tungkol sa isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez

Tila naging inspirasyon ni Herlene ang official statement ni Bianca dahil pagkatapos lumabas nito, nag-post din siya ng panibagong depensa sa sarili.

Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”

Pero kabaligtaran ang nangyari.

Hindi nagtagumpay si Herlene papaniwalain ang publiko at bagkos ay lalong nadagdagan ang mga batikos sa kanya.

Maraming beses nang naging victim ng bashing si Herlene pero hindi pa rin ata niya natututunan na ang pananahimik ang isa sa pinakamabisang damage control.

Dahil hangga’t sinasagot niya ang bawat komento ng mga netizen, patuloy siyang paglalaruan at lilibakin.

PARA SA MGA MEMA

At para sa mga content creator na nagsasabing hindi kilala ang mga artista ng GMA-7 na sangkot sa mga kontrobersya kaya kailangan ng name plates, sila ang may problema.

Hindi dapat tinatangkilik ang mga content creator na nagpapanggap na maraming alam tungkol sa showbiz, pero walang panahon para magsaliksik at kilalanin ang mga artistang kanilang sinasadyang siraan para pagkakitaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano magiging kapani-paniwala ang kanilang mga ibinabalita kung sila mismo ang mga biktima ng kawalan nila ng kredibilidad?

Isang content creator ang pinagmukhang tanga ang sarili nang sabihin nitong kung hindi pa namatay si Ronaldo Valdez ay hindi niya malalamang anak si Janno Gibbs ng namayapang aktor.

Isang matibay na halimbawa na kawalan ng kredibilidad dahil sa kanyang ipinamalas na kamangmangan.

Sa panahon ng pamamayagpag ng maraming social media platforms, mahirap nang mapigilan ang pagkalat ng fake news.

Kaya responsibilidad ng lahat na magmatyag, mag-ingat, at maging mahusay sa pagkilatis ng mga fake content creator para hindi na madagdagan ang mga biktima ng katangahan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol (kaliwa), totohanin kaya ang bantang magsasampa ng reklamo sa nagpakalat ng screenshot ng palitan ng mensahe nila ni Rob Gomez (kanan)?
PHOTO/S: @herlene_budol / robgomez.23 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results