PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rewind Ticket Prices at Gateway Mall Cinemas

Bukod tanging ang Rewind lang ang naiiba ang presyo sa iba pang MMFF 2023 movies
by Jojo Gabinete
Published Dec 26, 2023
Gateway Mall Cinema ticket prices, Rewind
Ano kaya ang paliwanag ng Gateway Mall Cinemas management kung bakit mas mataas ng sampung piso ang presyo ng pelikulang "Rewind" kesa sa iba pang MMFF 2023 entries na ipinapalabas sa kanilang sinehan?
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Star Cinema

Mahaba ang pila ng mga tao sa mga sinehan ng Gateway Mall 1 at Gateway Mall 2 Cineplex sa ikalawang araw ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Martes, Disyembre 26, 2023.

Gateway Mall Cinema 1 box-office line.

Gateway Mall Cinema 2 box-office line.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labingwalo (18) na ang mga sinehan sa Gateway Mall 1 & 2 dahil isinabay sa pag-uumpisa ng 49th MMFF noong Lunes, Disyembre 25, ang pagbubukas sa anim na mga bagong sinehan ng Gateway Mall 2.

Gateway Mall Cinema 17

Kaya mula sa Gateway Cineplex 10, Gateway Cineplex 18 na ang tawag sa naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa inihahayag ng Gateway Mall management kung kailan bubuksan ang dalawang mga bagong sinehan sa Gateway 2 na nananatili pang sarado.

Hindi pa ganap na alam ng publiko na bukas na ang mga bagong sinehan sa Gateway Mall 2 kaya nagsisiksikan ang lahat sa pagpila sa mga lumang sinehan ng Gateway Mall 1.

Mapapanood sa Gateway Mall 1 and Gateway Mall 2 cinemas ang sampung pelikulang kalahok sa 49th MMFF pero magkakaiba ang presyo ng tickets.

Sa Gateway Cineplex 2, pinakamahal ang tickets para sa Rewind dahil nagkakahalaga ito ng P413.

Samantalang P403 ang ticket prices para sa Becky & Badette, Family of Two, Firefly, GomBurZa, at Mallari.

Gateway Mall 2 Cinemas ticket prices

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas mura ang presyo ng tickets para sa mga pelikulang palabas sa Gateway Mall Cineplex 1.

P393 ang halaga ng tickets para sa Rewind, samantalang P383 ang ticket prices ng Penduko, Becky & Badette, Broken Hearts Trip, Family of Two, Firefly, When I Met You In Tokyo, Kampon, Mallari, at GomBurZa.

Gateway Mall 1 Cinema ticket prices

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumilitaw na mas mahal manood sa mga sinehan ng Gateway Mall 2 dahil bago ito, pero palaisipan ang presyo ng tickets para sa Rewind na mas mataas ng sampung piso kaya nangangailangan ang publiko ng paliwanag mula sa mga kinauukulan tungkol sa hindi magkakaparehas na halaga ng kanilang binabayaran.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano kaya ang paliwanag ng Gateway Mall Cinemas management kung bakit mas mataas ng sampung piso ang presyo ng pelikulang "Rewind" kesa sa iba pang MMFF 2023 entries na ipinapalabas sa kanilang sinehan?
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results