PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay Talks Health Scare During Interview

"Hindi ko kasi inakala kasi biglaan din nangyari..."
by Jojo Gabinete
Published Dec 28, 2023
Boobay
Boobay on what triggers her absence seizure: "Bigla na lang nagha-hang. At yun nga po ang nangyayari kapag nagkakaroon ng too much na nangyayari sa brain mo. At mas nag-trigger pa siya dahil sa nangyari sa akin before na mild stroke. Parang may lamat na raw yung brain ko."
PHOTO/S: Fast Talk With Boy Abunda

Walong buwan mula nang makaranas siya ng "absence seizure," binalikan ni Boobay ang nakaaalarma niyang karanasan.

Dinanas ni Boobay ang hindi inaasahang health condition sa Fast Talk with Boy Abunda noong Abril 20, 2023, at marami ang nag-alaala sa kanya noon.

Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda

Sa muling pagbisita niya sa TV show nitong Huwebes, Disyembre 28, ipinagtapat ni Boobay kay Boy na hindi niya pinanood ang kumalat sa social media na video ng kanyang guesting noon.

Nito lang guesting niya uli pinanood ang nag-viral na video.

"Ngayon ko lang napanood. Hindi ako tumitingin lalo sa TikTok. Kapag sinabi mong Boobay, yun agad ang lumalabas. Hindi ko siya pinapanood.

"Pero ngayong napanood ko na, puro ganoon pala ako nang ganoon," saad ni Boobay na iminuwestra na tango siya nang tango.

"Hindi ko alam ang ginagawa ko,” dagdag niya.

Read: Boobay balik-taping na sa TBATS pagkatapos ng ilang linggong pahinga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT TRIGGERS HER ABSENCE SEIZURE?

Ang absence seizure ang epekto ng mild stroke na nangyari kay Boobay noong November 2016 at sumusumpong ito sa tuwing nakakaramdam siya ng pagod, puyat, at pagkabahala.

"Hindi ko kasi inakala kasi biglaan din nangyari, yung tinatawag na absence seizure na bigla na lang nagha-hang.

"At yun nga po ang nangyayari kapag nagkakaroon ng too much na nangyayari sa brain mo.

"At mas nag-trigger pa siya dahil sa nangyari sa akin before na mild stroke. Parang may lamat na raw yung brain ko," paliwanag ni Boobay.

Patuloy niya: "Isa po sa mga nagti-trigger kapag medyo kinakabahan ka palagi.

"At the same time, kasama na yung lack of sleep, kaya very important na relax ka palagi dapat."

Malaki na raw ang pagpapahalaga niya ngayon sa kanyang kalusugan mula nang mapanood sa live broadcast ng Fast Talk with Boy Abunda noong Abril 2023 ang pagkakaroon niya ng absence seizure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Ang maganda po, nagpapasalamat ako kay Lord lalo kasi parang naging eye opener yon sa ating mga Kapuso na pahalagahan yung pahinga na tinatawag."

Read: Pagtulong ni Paolo Contis kina Boobay at Super Tekla, ginawang isyu ng bashers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on what triggers her absence seizure: "Bigla na lang nagha-hang. At yun nga po ang nangyayari kapag nagkakaroon ng too much na nangyayari sa brain mo. At mas nag-trigger pa siya dahil sa nangyari sa akin before na mild stroke. Parang may lamat na raw yung brain ko."
PHOTO/S: Fast Talk With Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results