PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2024 Pelikula Listahan: Sinehan Balik-Sigla?

Bagong batch of Pinoy movies for 2024, kaabang-abang!
by Jojo Gabinete
Published Dec 31, 2023
My Sassy Girl
Road Trip
(Left photo) My Sassy Girl lead stars Toni Gonzaga and Pepe Herrera; (right) Road Trip stars Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Janice de Belen, and Candy Pangilinan. Ilang lamang ito sa bagong batch ng Pinoy movies na ipapalabas mula Enero-Hunyo 2024.
PHOTO/S: PR

Nagtagumpay ang mga artistang may mga pelikulang kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival sa layuning himukin ang publikong bumalik sa panonood ng sine.

Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga proyekto nila.

Pero malaking hamon sa industriya ng pelikulang Pilipino ang mga susunod na buwan: mahalaga kasing magtuluy-tuloy ang suporta ng ating mga kababayan sa mga Tagalog films.

“Philippine cinema is back!” ang deklarasyon noong Agosto 3, 2022, dahil pinilahan nang husto sa takilya ang Maid in Malacañang nang ipalabas ito sa mga sinehan.

Pero iilan lamang sa mga pelikula ang masasabing kumita mula 2022 hanggang nang magsimula noong Disyembre 25, 2023 ang 49th Metro Manila Film Festival.

Masusubukan kung talagang bumalik na sa panonood ng sine ang mga Pilipino kapag tinangkilik nila ang mga pelikulang nasa mga sinehan simula Enero 2024.

Nangunguna ang My ZomBabe na pinagbibidahan nina Kim Molina at Empoy Marquez, sa Enero 8, 2024.

Susundan ito sa Enero 17 ng Road Trip, ang barkada movie nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, at Janice at Gelli de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakda sa Enero 24 ang cinema release ng Itutumba Ka ng Tatay Ko, ang huling pelikula ni Ronaldo Valdez, kasama ang kanyang anak na si Janno Gibbs.

At sa Enero 31 ang release date ng Philippine adaptation ng My Sassy Girl na pinangungunahan nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.

Sa buwang ng Pebrero, mapapanood ang Ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin ko (Julia Barretto at Aga Muhlach), Elevator (Paulo Avelino at Kylie Verzosa), at Out of Order (Alden Richards at Heaven Peralejo).

Pati na ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto, isang co-production venture ng Viva Films at Star Cinema, na wala pang titulo pero may playdate na sa Pebrero 28, 2024.

Dearly Beloved ang pamagat ng pelikula nina Baron Geisler at Cristine Reyes, In Love With A Psychic Girl ang proyekto nina Carlo Aquino at Julia Barretto, A Glimpse of Forever ang titulo ng love story movie nina Diego Loyzaga, Jerome Ponce at Jasmine Curtis Smith.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Rhen Escaño ang lead actress sa Bullet Day na tinatampukan nina Diego Loyzaga at Joel Torre, Tito X Tito ang comedy movie nina Janno Gibbs at Jerald Napoles, at Isang Gabi ang pamagat ng Diego-Coleen Garcia starrer.

Si Alessandra de Rossi ang bida sa Ang Tatlong Pinakamahabang Gabi; Pagpag 24/7 ang pamagat ng pelikula nina Coleen, Jerald, Nikko Natividad at Wilbert Ross; samantalang Men Are From Quezon City, Women Are From Alabang ang proyekto ng loveteam nina Marco Gallo at Heaven Peralejo.

Ang mga nabanggit na pelikula ang ilan sa mga ipalalabas sa mga sinehan simula Enero 2024 hanggang Hunyo 2024.

Kapag tinangkilik ito ng mga Pilipinong pihikan ang panlasa, saka pa lamang tunay na masasabing bumalik na sila sa panonood ng sine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) My Sassy Girl lead stars Toni Gonzaga and Pepe Herrera; (right) Road Trip stars Gelli de Belen, Carmina Villarroel, Janice de Belen, and Candy Pangilinan. Ilang lamang ito sa bagong batch ng Pinoy movies na ipapalabas mula Enero-Hunyo 2024.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results