PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Dos Santos Warns: Fake PHP500K Fundraiser for Wife

Gumamit ng poser account ang scammer.
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2024
Happy Dos Santos
John Dos Santos, the father of singer Tippy Dos Santos, warns the public that his family did not put up a Go Get Funding account to raise PHP500,000 for the burial of his wife (in photo), Happy Dos Santos.

Ang pagpanaw ng ina ng singer-actress na si Tippy Dos Santos ang isa sa mga malungkot na balita bago nagpaalam ang 2023.

Sumakabilang-buhay si Happy Dos Santos sa Seoul, South Korea, noong Disyembre 30, 2023, tatlong araw mula nang masangkot siya sa isang traffic accident noong Disyembre 27, 2023.

Iyon ang unang araw ng pagbabakasyon ni Happy at ng kanyang asawang si John sa Korea.

Nakaligtas si John sa naganap na aksidente, pero sa kasamaang-palad, binawian ng buhay ang kanyang asawa matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital.

Si Happy ay 58 taong gulang.

Read: Tippy dos Santos's mom Happy Esquivias-Dos Santos dies in car accident in South Korea

Masakit ang nangyari para sa pamilya Dos Santos.

At sa gitna ng kanilang pagdadalamhati, may mga taong likas na mapagsamantala dahil ginagamit nila ang malungkot na sitwasyon para kumita ng pera sa paraang masama.

JOHN DOS SANTOS WARNS PUBLIC AGAINST POSER ACCOUNT

Naglabas ng babala si John at ang kanyang pamilya na hindi totoong nangangalap sila ng pera panlibing kay Happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay John, fake ang Go Get Funding account na gumamit sa pangalan niya.

May maitim na balak ang poser niya na gustong makalikom ng kalahating milyong piso, o PHP500,000, para sa “burial fund” ni Happy.

Nakapangalan ang Go Get Funding page sa Facebook account user na "John Dos Santos."

Nilinaw ni John na poser niya ang account na iyon na gumamit ng kanyang solo photo.

Ang original Facebook account ni John ay may display photo ni John kasama si Happy at dalawang anak.

John Dos Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni John kalakip ng screenshot ng poser niya sa Facebook:

"This is a fake account. I did not set up a go get funding account.

"Someone is trying to take advantage of my wife’s death. Please help me and my family report this. Thank you."

John Dos Santos poser

Ito ang panawagan ni John para hindi makapanglinlang ng kapwa ang gumawa ng bogus go get funding account.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naglabas din ng apela si Tippy at ang kanyang kapatid sa Facebook page ni Happy.

"It has been brought to our attention that there has been a 'get funding' account set up for our mom’s death.

"Please know that our family is not responsible for this, nor any other future attempts at asking for money for this tragedy.

"It is unbelievable that someone is trying to scam people and is using our mom’s death as a means to do so," ang pahayag ng mga naulilang anak ni Happy.

Hangad nila na hindi na makapangloko ng kapwa ang nagpasimuno sa fake go get funding account.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Dos Santos, the father of singer Tippy Dos Santos, warns the public that his family did not put up a Go Get Funding account to raise PHP500,000 for the burial of his wife (in photo), Happy Dos Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results