PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-couple Agree: True Breakup Cause Confidential

Labis na nasaktan si aktres sa panghuhusga mula sa mga malapit na tao sa ex-boyfriend.
by Jojo Gabinete
Published Jan 1, 2024
Blind Item about former actress and high-profile husband
Naghihintay pa rin ang aktres na makatanggap ng personal na paumanhin mula sa taong malapit sa ex-boyfriend na hinusgahan siya nang husto.
ILLUSTRATION: Igi Talao

Hindi na maririnig ng publiko ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng isang showbiz couple noong 2023.

Nagkasundo ang mga ito sa harap ng mga taong namamahala sa kanilang mga personal at professional career na ititikom na lamang nila ang kanilang mga bibig.

Masalimuot at maselan ang mga dahilan ng pagwawakas ng relasyon ng showbiz couple. Kung babasagin nila ang pananahimik, tiyak na maaapektuhan ang acting career ng isa sa kanila.

Pero sa kabila ng "truce" na napagkasunduan ng magkabilang-panig bago sumapit ang nakaraang Pasko, hindi pa ganap na masasabing may closure na ang isyu sa pagitan ng ex-showbiz couple.

Labis na nasaktan ang aktres sa mga masasakit na paratang sa kanya ng mga tao sa paligid ng ex-boyfriend.

Naghihintay pa rin ang aktres na makatanggap ng personal na paumanhin mula sa taong malapit sa ex-boyfriend na hinusgahan siya nang husto.

Kung hihingi ng paumanhin ang nakasakit sa kanyang damdamin, saka lamang tuluyang makakamit ng aktres ang "healing" na pinakamimithi nito dahil inosente siya sa lahat ng matitinding akusasyong natikman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At habang naghihintay siyang magkaroon ng ganap na closure ang malungkot na sinapit ng kanyang pakikipagrelasyon, inaasahang magiging aktibo ang aktres sa showbiz ngayong 2024 para mabawi ang mga panahong mas pinagtuunan niya ng atensiyon ang love life.

More blind items on PEP.ph:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghihintay pa rin ang aktres na makatanggap ng personal na paumanhin mula sa taong malapit sa ex-boyfriend na hinusgahan siya nang husto.
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results