"Hindi sinasadya. Nagkataon lang. Parang hindi naman kami parehas ng type. Nagkataon lang siguro dun sa dalawang guys," bungad ni Ara Mina.
Read: Ara Mina recalls unpleasant experience with Fil-Am actress
May kinalaman ito tungkol sa mga dating karelasyon ni Quezon City District V Councilor Aiko Melendez na naging boyfriend din ni Ara — sina Jomari Yllana at Patrick Meneses.
Si Ara ang buwena manong bisita sa live telecast ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Enero 1, 2024.
Ang pagkakaroon niya ng relasyon noon sa ex-husband at ex-boyfriend ni Aiko ang isa sa mga pinag-usapan nila ni Boy.
"Alam mo, Tito Boy, hindi ko alam. Hindi ko naman din ginusto.
"Kumbaga, siguro ba’t nga ganoon, ‘no? I’m sure siguro sa past life, baka may something kami ni Aiko.
"Pero hindi talaga sinasadya, as in nagkataon lang.
"Hindi ko pa nga alam na ex siya noon, e, si Patrick," katuwiran ni Ara.
Unang nakarelasyon ni Ara si Jomari noong 2001, at si Patrick noong 2011.
Nagbunga ang pagmamahalan nina Ara at Patrick dahil nagkaroon sila ng anak na babae, si Amanda Gabrielle.
Noong 2017, winakasan nina Ara at Aiko ang kanilang labing-anim na taong hidwaan nang magpang-abot sila sa isang burol.
Lahad pa ni Ara kay Tito Boy, "Yes, we’re okay naman, but hindi lang kami nagkakaroon ng chance na magkita sa isang occasion.
"Isang beses lang sa wake, but long long time ago."
Sa ngayon, happily married si Ara at mapalad daw siya sa kanyang asawang si Dave Almarinez.
Aniya, "I am very lucky with my husband kaya wala na akong mahihiling pa. Sobrang naiintindihan niya yung work ko and he’s very supportive."
Read: Ara Mina plano nang magka-baby sa 2024
ON PAST ISSUE WITH CRISTINE REYES
Nabanggit din sa Fast Talk guesting ni Ara ang hidwaan nila noon ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes.
Nagsampa si Ara ng mga reklamong libel at grave coercion sa Quezon City Prosecutor's Office noong Abril 2012 laban kay Cristine Reyes.
Read: Ara Mina just filed a libel and grave coercion suit against her half-sister Cristine Reyes
Matagal nang naayos ang problema sa pagitan ng dalawa, at ayon kay Ara, nagdemanda siya noon para turuan si Cristine ng leksyon.
Saad niya, "I think ginawa ko lang tough love because I am the ate, I want to teach her a lesson na hindi tama yon.
"Hindi tayo dapat nag-aaway. If we have something na kailangan pag-usapan, dapat hindi na ilabas sa media. Dapat inside na lang.
"Kasi at the end of the day, magkapatid pa rin kami. Blood is thicker than water.
"Isang beses lang yon, but of course, hindi ko naman gugustuhin makulong ang kapatid ko.
"It’s just parang to teach her a lesson lang, pero hindi ko itutuloy yon."
Nagpakumbaba noon si Cristine.
Balik-tanaw ni Ara, "Lumapit po siya sa akin. Nag-sorry po siya noon. End of story.
"We are good and I am happy for her kasi may nagpapasaya sa puso niya."
Read: Ara Mina on Deborah Sun: "Isa siya sa masarap na tulungan na tao."
ON MARCO GUMABAO
Boto si Ara sa nobyo ni Cristine na si Marco Gumabao.
"I like Marco. Marami naman naikuwento sa akin si Cristine na kung paano siya tratuhin ni Marco at alagaan.
"Natutuwa naman ako sa ginagawa niya sa kapatid ko.”
Read: Ara Mina reacts to Cristine Reyes's newfound romance with Marco Gumabao