PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes ipinagtanggol ang resulta ng MMFF 2023 Gabi ng Parangal

Joey Reyes, masaya sa pagtanggap ng mga tao sa MMFF 2023 official entries.
by Jojo Gabinete
Published Jan 6, 2024
joey reyes vilma cedrick
Direk Joey Reyes (left) was one of the jurors of MMFF 2023 Gabi ng Parangal, where Vilma Santos and Cedrick Juan were declared Best Actress and Best Actor, respectively.
PHOTO/S: Vivamax / Noel Orsal

Ang resulta ng mga nagwagi sa Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang isa sa mga itinanong sa direktor na si Joey Reyes sa press conference ng Karinyo Brutal na nangyari nitong Sabado ng tanghali, Enero 6, 2024, sa Viva Café, Cubao, Quezon City.

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Isa si Direk Joey sa mga hurado kaya madali sa kanyang sagutin ang mga maling paniniwala ng ilang mga taong iniintriga ang mga ginawaran ng parangal.

“Juror ako. Yung mga paratang na may campaigning, may namili, kapag nakita niyo naman yung listahan ng jurors...

"Si Chito Roño, mabibili mo? Si Lorna Tolentino, mabibili mo? Si Lee Meily, mabibili mo? Si Tara Illenberger, mabibili mo?" malumanay at nakangiting sagot ni Direk Joey nang hingin ang kanyang opinyon tungkol sa resulta ng Gabi ng Parangal ng MMFF 2023.

Read: Director Chito Roño, actress Lorna Tolentino lead MMFF 2023 Board of Jurors

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Direk Joey, “Maaaring hindi nagustuhan ng mga tao yung resulta ng mga nanalo, pero yon ang lumabas sa tabulasyon.

"Ni kaming jurors, hindi namin alam kung sino ang nanalo dahil secret balloting ang ginawa sa final voting.

“Ang nakakaalam lang, si Lorna, si Chito, at ang MMDA dahil sila lang ang naroroon nang binuksan ang envelopes.

"Kaya maski kaming mga juror, nagugulat kami sa ibang winners.

“At saka mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres y medya ng hapon, nagdedebate kami kung sino yung mga gusto namin.

“Dyusko, saka si Chito Roño is si Chito Roño ang chairman, di ba? Contest sila ng patarayan ni Joel Lamangan, di ba?

“Ganoon lang talaga lumabas ang resulta.

"At ako, bilang juror, maski ako nagulat sa ibang nanalo, pero we have to respect the decision of the majority of those who voted in the jury.

“And those who sat in the jury, hindi naman mga puchi-puchi, di ba? These are people who are respected in that industry,” paliwanag ni Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat itong maunawaan ng mga taong kaligayahan na ang gumawa ng intriga dahil hindi nagwagi ang kanilang mga artistang pinapaboran.

Kahit may mga maling paratang laban sa mga hurado ng MMFF 2023, masaya si Joey dahil sa pagbabalik ng mga Pilipino sa panonood ng sine at pagtangkilik nila sa mga pelikulang Tagalog.

Read: MMFF 2023 umabot na sa PHP800M ang total gross

“Masaya ako at kumita ang MMFF. Kung sino man ang nanalo, kung sino ang talo is irrelevant.

"Ang importante, kumita ang Metro Manila Film Festival, dinumog ng mga tao at nanood sila ng sine, at sana ma-maintain natin yan.

"At hindi nangyayari yan tuwing Disyembre lamang dahil kailangang-kailangan natin na mabuhay muli ang industriya,” pahayag at kahilingan ni Joey.

Postscript: Ang Karinyo Brutal ang bagong proyekto ni Joey para sa Vivamax at mga bida ng pelikula sina Apple Dy, Benz Sangalang, at Maebelle Medina.

Si Apple ang personal na pinili ni Joey para magbida sa Karinyo Brutal dahil nahusayan siya sa pag-arte ng baguhang sexy star na kanyang unang nakatrabaho sa Patikim-Tikim, ang sexy movie na ipinalabas sa Vivamax noong 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joey Reyes (left) was one of the jurors of MMFF 2023 Gabi ng Parangal, where Vilma Santos and Cedrick Juan were declared Best Actress and Best Actor, respectively.
PHOTO/S: Vivamax / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results