Kabilang si Yassi Pressman sa Filipino cast member ng Korean-Filipino collab movie na The Guardian.
Nauna nang kunan ang kanyang mga eksena dahil mag-uumpisa pa lamang sa Enero 18, 2024 ang shooting ng Korean main stars ng pelikula, na pinangungunahan ng Infinite member na si Nam Woo-hyun.
Read: Former Infinite member Nam Woo-hyun magsu-shooting ng action movie sa Pilipinas
Ang The Guardian ang unang international movie project ni Yassi kaya nagpapasalamat ito sa magandang oportunidad na dumating sa kanya.
Pahayag ng Viva actress, “Having this opportunity was really a big, big blessing and lagi po akong nagpapasalamat.
“The feeling working with these very extraordinary actors, I am very, very excited.
"Natutuwa po ako at medyo nahihirapang magkaintindihan kami, pero nakikita ko rin po sa kanila na kahit nahihirapan silang i-explain ang gusto nilang sabihin, hindi po sila sumusuko.
“Dahil dun, nararamdaman kong gusto nila tayong makausap, mag-connect, at because of that, parang naeengganyo na rin po ako.
"Ganito na nga po ako magsalita ngayon, marami na akong mga hand signal."
View this post on Instagram
Naniniwala si Yassi na lalo silang magkakaintindihan ng kanyang Korean co-stars kapag kinunan na ang kanilang mga eksena.
Ikinuwento rin ni Yassi na ipinagdasal niya noong nakaraang taong magkaroon siya ng malaking proyekto, at nangyari nga ito sa The Guardian kaya nakaramdam siya ng kakaibang excitement.
“Lahat po tayong mga Pilipino, we admire the Koreans, the Korean culture.
"It’s very nice to meet them po noong nag-meeting kami at story conference, kahit may language barrier, makikita niyo po na lagi silang nakangiti.
“Very, very open po silang mag-communicate with us, and for that, I am very, very excited,” lahad ni Yassi.
Kinumpirma ni Yassi na mahigpit ang seguridad sa shooting ng The Guardian dahil pinoprotektahang mabuti ang lahat ng mga artista ng pelikula.
Bukod kay Yassi, kasama sa Filipino cast ng The Guardian sina Jeric Raval, Wilbert Ross, Joko Diaz, Ashtine Olviga, Heart Ryan, at Eric Ejercito.