PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo's 1st Intl Award Film on Netflix

Ngayon lang naa-appreciate ng mga Pilipino ang obra-maestra ni Direk Jun Lana.
by Jojo Gabinete
Published Jan 13, 2024
Eugene Domingo
Matapos ang apat na taon mula nang i-announce na i-stream, ipinalalabas na rin sa wakas sa Netflix ang Barber's Tales, ang 2013 Jun Robles Lana film ni Eugene Domingo na nagbigay sa kanya ang kanyang kauna-unahang international acting award.
PHOTO/S: APT Entertainment

Unang napabalita na ipalalabas sa Netflix noong Setyembre 2020 ang Barber’s Tales na pinagbibidahan ni Eugene Domingo pero hindi natuloy ang streaming ng nabanggit na pelikula.

Makalipas ang apat na taon, nag-umpisa nang mapanood sa Netflix noong Biyernes, Enero 12, 2024, ang Barber’s Tales na may Tagalog na pamagat na Mga Kuwentong Barbero at mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana.

Agosto 13, 2014, unang ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang pelikulang ito na nagkaroon pa ng world premiere sa Tokyo International Film Festival, kunsaan nanalong best actress si Eugene.

Ito ang kauna-unahang international award ni Uge dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

Barber's Tales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi pa ipinalabas sa Netflix ang Barber’s Tales, hindi malalaman at mapapansin ng mga Pilipino na maganda ang pelikula.

Tungkol ito sa mga karahasan na nagaganap noong 1975 sa panahon ng Batas-Militar sa ilalim ng pamumuno ng dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos, Sr.

Hindi lamang si Eugene ang nagpamalas ng husay sa Barber’s Tales dahil magagaling din ang kanyang co-stars na sina Eddie Garcia, Daniel Fernando, Gladys Reyes, Iza Calzado, Nonie Buencamino, Nicco Manalo, Shamaine Buencamino, at maging si Nora Aunor na may maiksing partisipasyon sa pelikula.

Bago pa nag-umpisa ang Netflix streaming ng Barber’s Tales, mahigit isang taon na itong napapanood sa YouTube channel ng Shutter Philippines pero hindi nga masyadong pinagtuunan ng pansin.

Ngayon, puring-puri na ng mga Pilipino ang kagandahan ng obra-maestra ni Lana.

Marilou ang pangalan ng karakter ni Eugene sa Barber’s Tales dahil alay ni Lana sa kanyang mentor na si Direk Marilou Diaz-Abaya (March 30, 1955 - October 8, 2012) ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Lana ang nagsulat ng award-winning movies ni Abaya na Sa Pusod ng Dagat (1998), Muro-Ami (1999), Jose Rizal (1998), at Bagong Buwan (2001).

Ginawaran ng parangal na National Artist for Film and Broadcast Arts si Abaya nung 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang apat na taon mula nang i-announce na i-stream, ipinalalabas na rin sa wakas sa Netflix ang Barber's Tales, ang 2013 Jun Robles Lana film ni Eugene Domingo na nagbigay sa kanya ang kanyang kauna-unahang international acting award.
PHOTO/S: APT Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results