PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon mapapanood na sa GMA-7, pero hindi pa ganap na Kapuso

Kasama si Ejay sa pagbabalik ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
by Jojo Gabinete
Published Jan 14, 2024
Ejay Falcon, Bong Revilla
Isang maangas na pulis ang papel ni Ejay Falcon sa pagbabalik sa GMA-7 ng comedy show ni Senator Bong Revilla na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
PHOTO/S: Screenshot from Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis

Nag-umpisa noong Sabado, Enero 13, 2024, sa isang lugar sa Project 8, Quezon City, ang taping ng Oriental Mindoro Vice-Governor at aktor na si Ejay Falcon para sa Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ito ang sitcom na pinangungunahan ni Senator Bong Revilla na muling mapapanood sa GMA-7 simula sa Pebrero 4, 2024.

Inayos na mabuti ni Ejay ang kanyang schedule para makatiyak na hindi magiging sagabal sa kanyang mga obligasyon bilang bise-gobernador ang kanyang showbiz commitments, tulad ng tapings ng Walang Matigas na Pulis... na isang Sunday primetime program ng GMA-7.

Ang nabanggit na series ang unang proyekto ni Ejay sa Kapuso Network pero napabalita na noong Hunyo 2021 ang paglipat niya rito mula sa ABS-CBN.

Isang maangas na pulis ang karakter na ginagampanan ni Ejay sa comedy show ni Bong na katuparan ng kanyang matagal nang pangarap—ang makatrabaho ang action star/senator.

“Very proud na maka-work po si Senator Bong and looking forward ako sa mga eksena namin together na ang daming mga fight scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo angasan kami nang angasan," pahayag pa ni Ejay sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng 24 Oras tungkol sa oportunidad na makasama niya si Bong sa isang proyekto.

Ang Dugong Buhay ng Viva Films, ang pelikula na ipinalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 10, 1983 ang unang major role ni Bong bilang aktor.

Makaraan ang tatlong dekada, si Ejay ang napili para magbida sa television adaptation ng Dugong Buhay na napanood sa ABS-CBN mula Abril 8, 2013 hanggang Setyembre 27, 2013.

Kaya isang pangarap na natupad na makatrabaho ni Ejay ang original star ng movie version ng action-drama series na kanyang pinangunahan.

Hindi pa ganap na masasabi na Kapuso actor na si Ejay dahil napapanood pa rin ang karakter niya bilang Elias Delgado sa Nag-aapoy na Damdamin, ang drama romantic-thriller ng ABS-CBN na natutunghayan tuwing Lunes hanggang Biyernes nang hapon sa Kapamilya Channel at TV5.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang maangas na pulis ang papel ni Ejay Falcon sa pagbabalik sa GMA-7 ng comedy show ni Senator Bong Revilla na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
PHOTO/S: Screenshot from Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results