PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs on Late Dad Ronaldo Valdez's Joking Moments

Dapat kabahan na ang mga lumapastangan sa alaala ng ama ni Janno na si Ronaldo.
by Jojo Gabinete
Published Jan 14, 2024
Janno Gibbs, Ronaldo Valdez
Matapos ng matagal na pananahimik mula nang maganap ang trahedya sa kanilang pamilya, magsasalita na si Janno Gibbs (kaliwa) tungkol sa ginawang paglapastangan ng ilang mga tao sa yumao niyang ama na si Ronaldo Valdez (kanan).
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram

Ang sampahan ng kaso ang mga taong may kinalaman sa pagkalat ng video ng mga huling sandali ng veteran actor na si Ronaldo Valdez noong Disyembre 17, 2023, ang panawagan ng publiko na nainsulto sa paglapastangan sa alaala ng pumanaw na multi-awarded actor.

Malalaman sa linggong ito ang desisyon ng naulilang pamilya ni Valdez dahil nakatakda nang magsalita ang kanyang panganay na anak na si Janno Gibbs at ang legal counsel nilang si Atty. Lorna Kapunan.

Mula nang mamatay si Valdez, hindi pa nagsasalita si Janno tungkol sa naganap na trahedya sa kanilang pamilya, pati na sa kawalan ng respeto ng ibang tao sa kanyang ama.

Kaya naghihintay ang lahat sa mga sasabihin ng singer-actor na hudyat ng pagwawakas ng pananahimik nito.

Inaasahan na magsasalita si Janno bago gunitain sa Enero 17, 2024, ang unang buwan ng anibersaryo ng pagyao ng tatay niya.

Maingay at malakas ang panawagan noon ng mga tao na aksyunan ng Quezon City Police District ang pagkalat ng sensitibong video ni Valdez, kaya tinanggal sa puwesto sina P/Sr. Master Sgt. Wilfredo Calinao at P/Cpl. Romel Rosales na kabilang sa mga nag-imbestiga sa kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit naman ng mga iresponsableng netizen ang malungkot na pangyayari para pagkakitaan nila dahil gumawa sila ng mga malisyosong video na nakasisira sa reputasyon ni Janno.

Dapat kabahan ang fake news peddlers dahil puwedeng-puwede silang sampahan ng mga reklamo nang gamitin nila ang iba’t ibang social media platforms sa pagkakalat ng hindi makatarungan, hindi makatao, at walang basehan na kuwento na nagdadawit sa mga inosenteng tao sa pagkamatay ni Valdez.

Panahon na para turuan ng leksyon ang mga Pilipino na nag-iimbento ng mga balita at kumikita ng pera sa pamamagitan ng mga masasamang paraan tulad ng pagpapalaganap ng mga isyu na kathang-isip lamang nila.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ng matagal na pananahimik mula nang maganap ang trahedya sa kanilang pamilya, magsasalita na si Janno Gibbs (kaliwa) tungkol sa ginawang paglapastangan ng ilang mga tao sa yumao niyang ama na si Ronaldo Valdez (kanan).
PHOTO/S: @jannolategibbs Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results