PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baguhang aktor na may maamong mukha, nalantad ang video scandal

Dating video scandal ng baguhang aktor lumitaw kasabay ng pagbibida sa pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Jan 18, 2024
Blind Item
ILLUSTRATION: Igi Talao

Mapalad ang baguhang aktor dahil matapos gumanap na ekstra sa ilang mga pelikula, nabigyan siya ng malaking break ng award-winning director sa bagong proyekto nito.

Ang aktor ang napili dahil sa kanyang maamo at inosenteng mukha na bagay na bagay sa hitsura ng bidang lalake sa pelikulang hinahanap ng direktor.

Nakilala ng direktor ang newcomer actor dahil ito ang inirekomenda ng sexy actress na nakatrabaho niya noon.

Nang makita nang personal ng direktor ang aktor na nagtataglay ng maamong mukha, pumasa agad ito sa kanyang criteria kaya mabilis na isinali ang baguhan sa cast ng pelikula.

Tuwang-tuwa ang baguhang aktor sa malaking tiwala sa kanyang kakayahan ng award-winning director dahil wala pa siyang napapatunayan sa larangan ng pag-arte.

Nagkaroon ng mga publicity ang aktor dahil sa partisipasyon nito sa pelikula ng premyadong direktor na naging ugat para maungkat ang kanyang sikreto—ang paglitaw ng kopya ng private video niya.

Nagpanggap na nabigla ang mga nakapanood ng leaked video ng baguhan dahil kung gaano kainosente ang mukha ng aktor, kabaligtaran ito ng hitsura niya at ng mga maalab na eksena nila ng kanyang kaparehang babae.

Maituturing pa ring masuwerte ang babae dahil hindi nakita ang mukha nito kaya naiwasan siyang makilala, samantalang malinaw na malinaw ang pagkakakilanlan ng baguhang aktor na panay ang tingin sa camera kaya alam niyang kinukunan ng video ang kanilang mga ginagawa.

Mahihirapan ang aktor na itanggi ang katotohanan dahil hindi maipagkakailang siya ang lalake sa pribadong video na kumalat mula nang lumabas ang mga publisidad tungkol sa pagbibida niya sa pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results