Ang sequel ng Buybust ang unang pelikula ni Pauline Lopez, ang taekwondo champion na maraming beses nang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas dahil sa mga international competition na kanyang sinalihan.
Pagbibidahan pa rin ni Anne Curtis ang Buybust, at ang director ay si Erik Matti
Ilan sa mga karangalang inihatid sa ating bansa ni Pauline: ang mga medalyang ginto mula sa Southeast Asian Games na ginanap sa Indonesia noong 2019, Southeast Asian Games sa Singapore noong 2015, Pan American Open sa USA noong 2014 at Asian Youth Games sa China noong 2013.
Balak i-build up si Pauline bilang female action star ng Virtual Playground, ang talent management company na namamahala sa kanyang sports at acting career.
Hindi pa maaaring sabihin ni Pauline ang karakter na kanyang gagampanan sa Buybust 2, pero masayang-masaya siya dahil sa pambihirang pagkakataon na makatrabaho niya si Anne sa isang pelikula.
"She’s very down-to-earth, very kind as well, and honestly, very sweet, and I am very excited to work with her," ang ilan sa mga papuri ni Pauline kay Anne sa kanilang unang pagtatagpo.
"It’s a dream coz ever since I was a kid, she was a role model—very empowering woman, businesswoman, mother, action star, everything in between.
"So I look up to her on what she does."
Nagsimula nang mag-training sina Pauline at Anne para sa action stunts nila sa Buybust 2.
Pauline Lopez as a national athlete
Ayon sa taekwondo champion, gustung-gusto niya ang kanilang mga ginagawa.
"Training... I loved it. It felt like a playground to me because anything that has to do with guns, kicking, punching, all of that, [it's] something I truly love, so when I saw that with everyone there, it was really a great experience," pahayag ni Pauline.
Batambata pa siya nang magkaroon ng hilig sa taekwondo.
Lahad ni Pauline: "I have actually been doing taekwondo since I was eight years old, and then when I really went into the elite level, I was thirteen.
"So, my very first competition really was representing the country in 2010, Asian Games in Guangzhou, China.
"I was the youngest in the delegation. I was only 13 and at the time, taekwondo didn’t have rules yet, like I was fighting women [who are], like, 28 years old.
"So, I’ve been in the national team for about twelve years."
PAULINE'S TAEKWONDO SCHOOL
Ang pagmamahal ni Pauline sa taekwondo ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na itayo ang Shero Martial Arts School.
Hango ang "Shero" mula sa salitang ang kahulugan ay babaeng bayani.
Si Pauline ang personal na nagtuturo ng taekwondo sa kanyang mga estudyante tuwing Sabado at Linggo sa Shero Martial School sa BGC, Taguig City.
"Classes are offered every Saturdays and Sundays. Shero also offers private sessions," ang sabi ni Pauline.
Dumarayo siya sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanyang mga Sparring Seminar, na ang pangunahing layunin ay ibahagi sa mga Kabataang Pilipino ang mga kaalaman niya tungkol sa taekwondo.
Kasama ni Pauline sa pagtatatag ng Shero ang kanyang business manager na si Dondon Monteverde.
Isa sa malaking proyekto niya ang Mapata Taekwondo Competition Championship, na magaganap sa Enero 28, 2024 sa Amoranto Stadium, Roces Avenue, Quezon City.
Mahigit sa anim na raan ang bilang ng mga kabataan na lalahok sa Mapata Taekwondo Competition Championship, kaya natutuwa si Pauline dahil sa interes na ipinakikita ng ating mga kababayan sa sports na malapit sa kanyang puso.